So This Is It!!

850 13 4
                                    

ito na muna.. nahaggard naman ako sa pagnenet ngayon ang dami pinagagawa hahaha! advance birthday gift ko sana kay mamarra! hahaha! ugali kasi nagbabasa ng dulo bago una. kaya yan!!

Happy born day Chinguya! Love you men!!

anyway.. please vote comment and spread po.. thanks sa inyo love lots!!!!!

 "ARAY Oshien! 'Nak ng Manga, kalahating buwan na lumilipas oh! Di mo pa rin malimutan yun?"

Kalahating buwan na nga ang lumipas mula nung ikinasal sila. Pero hindi pa rin maka-get over si Oshien dun sa huli nilang pinag-usapan ng Mommy niya. Kaya ayan, nakatikim na naman si Julian ng batok.

"Loko ka kasi. Ang tali-talinong mong Ungas ka, di mo man lang inobserbahan kung tama yon. Pinagkakamalan na pala tayong may relasyon di mo pa nahalata! Kung anu-ano pang pinag-ko-conclude mo mali naman pala!"

"Nagsalita ang malakas ang six sense! Oh eh bakit? Parang nakahalata kang pinaghihinalahan na nila tayo ah? Tsaka malay ko ba diyang may malisya na sa kanila yun? Ambaby baby ko pa sa mga ganyan nidadamay niyo ko!"

"Baby baby ka dyan. Upakan kita ng makita mo yang baby mo." Sabay amba kay Julian. Pero di  naman itinuloy. "Don't worry last na yan. Nakarecover na 'ko." Sabi niya habang nagpaparot-parito lang sa sala at kusina.panay kasi ang kuha ng pagkain sa ref. Palibahasa maraming pagpipilian.

"Oo, last na batok na iyon ang dahilan. Eh kung tutuusin naloko rin ako don ah. Ba't ako sinisisi mo dun? Kala mo ganda gawa mo? Batok mo 'ko dito oh!"

"Stop bubbling like a baby Julian! Nandidiri ako!"

"OA mo rin Oshien eh." Sabi ni Julian pagkatapos niyang ngisian si Oshien.

 "Ano?!"sigaw naman ng isa habang nasa harap ng ref.

"Lakas mong kumain. Mabilis tayo mauubusan ng supply niyan eh. 'Tamong monthly lang tayong nabibigyan ng allowance dito sa bahay tsaka para sa grocery tapos ngayon kung tirahin mo yung laman ng ref, wala ng bukas 'te?" binato tuloy siya ng Chips na nakuha ni Oshien. Pabalik na ito sa sala dala ang nadekwat niya sabay upo sa mahabang sofa kung saan rin nakaupo si Julian. "Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Nagsasayang ka lang eh. Hello? Gastusin pa po tayo."

"Kaya ang sarap mong saktan Juliano eh."

"Ganyan ka magmahal eh. Masakit."

"Anyway, buti nakumbinsi mo si Tito slash Papa na bumukod tayo dito.  Infairness supportive sila ah. Sila pa nagregalo nitong bahay na ang laki lang ah."

Yung bahay kung saan  sila kasalukuyang nakatira of course bilang mag-asawa ang nagsilbing blessing ng mga magulang nila sa kanila. Two-storey house iyon na may pagka-dirty white ang kulay.

Sa first floor, bubungad kaagad ang sala nila sa right side katabi  ang isang piano sa may bandang gilid. Dining area ang nasa kaliwa tapos nasa pinakagilid nun yung kusina nila. Sa gitna part ng bahay yung staircase papuntang 2nd floor.  Sa medyo dulo, makikita yung unang kwarto roon. Apat kasi yung rooms sa bahay. Nasa taas yung tatlo.  Yung nasa baba para sana sa tagabantay nila kaso inayawan nila dahil dagdag gastos lang daw ang sweldo para dun. Tama na daw expenses nila sa pang-araw araw. Medyo katapat nung kwarto yung cr. May pintuan sa gilid nun para naman sa garden.

Sa taas naman, sa kaliwa noon, nandun yung dalawang kwarto. Magkatabi lang iyon at para lang talaga sa isang tao. Walang cr sa loob noon dahil inisa nalang ang banyo na nasa dulo ng mga iyon.

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now