And This Where It Starts

934 24 3
                                    

Kulang na lang malaglag yung panga ni Oshien sa narinig nya.

Talagang sira-ulo ngang almost bestfriend na 'to. Sira- ulong literal! Napatayo tuloy siya..

"Hoy Juliano ka, alam mo bang iniisip mo?! Magpapakasal tayo sa boredom? You're such a silly insane guy!"

"Bakit? Ang ganda nga nun eh. May thrill. Oh maiba ka! Ayos trip natin!"

"Hoy! Wala akong balak makisali sa mga seryoso ka ba diyan?"

natigilan sandali si Julian. Seconds past, natawa rin.

"Sabi na eh.. late sinker isip mo."

"PLUE!! Tigilan mo nga 'ko!"

"Sinabi ko na diba? No jokes."

"Eh kaso.. Plue parang walang basehan kung biglaan eh. Dahil trip lang natin? Parang ang pangit naman nun? 'Di kita boyfriend.."

"Boyfriend mo 'ko girlfriend kita. The thing is, hindi lang tayo on, but we have relationship."

"Yeah, almost bestfriend."

"Yupp. M.U rin tayo."

"Sinong ikaw ang nagsabi?"

"Ako nga. Crush mo 'ko, crush kita. 'Di mag-crush-crushan tayo!!"

"Mamatay ka na sa Earth's crust. Punyemas ka."

"Ay sus si Plue oh.. Denial."

"Magseseryoso ka o i-mamassacre kita?" Nag-peace sign na si Julian, napupuno na talaga si Oshien.

"I'm dead serious."

"Sa itsura mong yan? Seryoso ka?"

"Hmmm..Pa'no ba magmukhang seryoso?"

"Julian!!"

"Oshien Anne Real, seryoso ako. I know this is somewhat.. you know, a serious joke pero, ikaw kasi eh.. Lam mo namang ayokong nabobored ka eh.. mahirap na..wala na tuloy akong ibang naisip.." Inilahad na ni Oshien ang kamao niya sa mukha ni Julian.

"You're serious or just playing??"

"Hmmm.. I smell something about you.." Napataas ng kilay si Oshien.

"What??" unti-unti na namang lumalapit mukha ng loko sa kanya..

"Game ka noh??"

!!BULLS EYE!!

With that, napaamin ng di oras si Oshien.

Na-challenge kasi siya sa sinu-ggest ni Julian. Ang inaalala lang niya, wala silang commitment sa isa't-isa tapos biglang settling down na agad ang trip nila. Parang ang hirap nga namang esplikahin...

Kinabukasan nag-usap ulit sila tungkol doon.

"Okay, lets make it clear."

"Clear clear ka diyan. Sigurado kang kahapon mo lang naisip yan?" Takang tanong ni Oshien.

"'To, wala kang tiwala sa'kin eh. Oo nga! Ayaw pa maniwala. Alam mong valedictorian ako sa mga ganyan eh."

"Eh hindi ka naman talaga katiwa-tiwala eh! kung sabagay, wala ngang effort yang proposal mo eh."

"Hey whoah.. sorry Plue, nasira ko ang Dream Proposal mo na walang kasing baduy. Walang bago pshh. Hindi ka pa maging unique. Gusto mo yung may pag luhod pa. Hilingin mo yan kay Jesrell."

"Wag ka  manali ng ibang tao bungal ka."

"Bungal excuse me, walang kasing gwapo ngipin ko noh! Mana yan sa mukha! Tsk.. Hay naku Oshien pa-zipper nga muna yang sweet lips mong matalim.." Pinandilatan tuloy siya. Pero nginitian lang niya. Nilingon niya muna sandali yung loob ng bahay nila Oshien. Wala lang, para sure na walang makakaalam.Tanaw kasi ang sala eh. Maya-maya nagbalik tingin na  siya dito.

"Ganito. We'll do this just for fun. No commitments.

Free pa rin tayo gawin ang gusto natin. Kaibahan lang, were going to live in the same roof. Siguro may konting limitations na sa galaw natin pero hindi naman siguro yun makakaapekto sa set up."

"Loko, mag-asawang walang commitment? Ano yun? Maghanap ka na lang kaya ng ka-room mate mo sa apartment? Alam mo ba talaga meaning ng gusto mong mangyari?" Napaisip tuloy si Julian..

"Oo nga naman noh? Tama walang thrill! Mali pala ako. Erase erase!"

"Salita ka kasi ng salita dyan. Di mo iniintindi yung sitwasyon. Inuuna kasi yung bibig sa pag-iisip" Mabilis  nag-iba ng tingin si Julian kay Oshien. Naniningkit pa yung mata, halatang nang-aasar. "Oh ano na naman yan?"

"Ikaw Oshien ah..Gusto mo pala ng commitment di mo sinasabi. Salita-salita rin kasi minsan para magets."

"Kung umbagin kita dyan?"

"Oh tama ka na. Game, baguhin na kung babaguhin. Rerevise lang pala eh. We'll do this just for fun. WITH COMMITMENTS. Pero para lang yun sa plano. Wala nang iba. No more no less. Wala nang lalagpas don. Happy na? So when the game starts, you already have the right to control a part of my life and vice versa. Kaya ingat-ingat ka. Ikaw may gusto nito. Strikto ako. Paalala lang." Nagmemake-face nalang si Oshien kay Julian habang wina-warning-an siya.

"Opo. Kala mo ikaw lang? Excuse me noh. Okay tuloy."

"Tayo lang makakaalam ng true story. Wala kang pagsasabihan. Ito hah, pangungunahan na kita. Walang kahit anong mangyayari, literally. Unless.."

"Wag mo nang ituloy may hawak akong bato baka maipukpok ko pa sayo." Warned ni Oshien.

"Peace! Basta walang exact rules to be follow. Pero ikaw, bahala ka kung gusto mo. Wag mo lang akong asahang susunod dyan. We just need to act as if we were really married for experience..."

"Only lang okay? Pag nagsawa na tayo, split na.." patuloy ni Oshien.

"Ay sows as if namang pakakawalan mo pa ko pagkatapos nito." Asar na naman ni Julian, nag-pout pa sa harapan niya.

"Ang kupal na to! Ang yabang mong ungas ka ah. Kapal ng apog mong kalabaw ka."

"oo na oo na. Kapal ka diyan, totoo naman. So that's it. Split kung split as easy as that."

Yun lang at tumayo na rin sa pagkakaupo niya si Julian. Tiningala na lang tuloy siya ni Oshien. "Tangkad ko diba?"

"Tangkad mo mukha mo. Settle then. Eh ano nga palang papalusot natin? Oh wait, kailan ba natin gagawin 'to?"

"Tangkad ko muna.."

"Julian wag na bata."

"Nagsalita ang mas bata. Walang panama kakulitan ko sa pagka utak baby mo. Anyway, Bukas na. Di ko trip yung pinatatagal pa. Tsaka as far as I know, babalik uli kami dito tomorrow. Ewan ko sa mga yun. Nawili nang magchikahan. Pero mukhang may business silang itatry ata? Merging siguro.

Then, about sa palusot thingy.."

Ngumiti muna ng nakakaloko si Julian which makes her more nervous. Napangiwi na lang siya sa itsura nito. Yang mga ganyang tingin kasi, siguradong malalang kalokohan ang iniisip eh. Lalo pa't may idea na siya sa iniisip ng kaibigan??...


Prima Fighting!!!!!!!

Salamat po sa mga nagvote and comment.. I love you po!!!!!


#March 02

#HappyHongstarDay!

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now