Battle of Matarays!

458 12 0
                                    

Note: () Means POV.. papansin yung connection ayaw sumunod ayaw lumabas ng Bold and Italic symbol.. ultimo spacing ayaw pagbigyan..gomene..


"No way??" dahan-dahang yumuko si Julian para tingnan si Oshien. Natutuwa talaga siya sa itsura nito. Sarap pikunin.

"Oh yes my Dear. So tara na? Kampihan!"

"Leche bitawan mo nga 'ko! Hindi ako natutuwa sayo."

"Yun oh, lumabas na rin. Okay okay.. pikunin mo Miss."

"Kapikon-pikon ka naman kase MJ." Saway na ni Brent. Nagtaka si Julian sa tono ng kaibigan niya. Paglingon niya, yun na, medyo napangiwi siya sa nakita. Halos magkakaparehas yung ekspresyon ng mga kaharap niya. Nanunuring simangot.

"Anu ba yan.. Masama na pala ngayong magpagaan ng sitwasyon...I'm down.." nagsniff pa siya na parang iiyak. Umaarte na naman.

"Lalo mo lang pinabibigat yung sitwasyon MJ alam mo ba yon ha?! Matuto ka ngang umayon sa nangyayari!" sabi naman ni Jesrell.

"Masama bang maging friendly? Pwede ba Centaurus, suportahan niyo naman ako? Support me! Support me!"

"Baliw" nabatukan nga ni Kelven."Pagpasensyahan niyo na to ha, autistic kasi."

"No no no! Okay lang cool nga eh!" ngiting-ngting sagot ni Ally..siniko tuloy siya ni Sophie.

"Ally magbehave ka."

"Jane, agawan base tayo diba?"

"Ah? Oo bakit Shar?"

"Kulang tayo ng isa. Nine lang atyo eh. lugi yung apat lang na grupo."

"Oo nga pala noh? Sino kaya pwedeng kumumpleto? Ay anak!!" napapitlag silang dalawa nang may humawak bigla sa likuran nila.

"Is there something wrong? Mukhang nagkakatuwaan kayo dito ah. Pwede makisali?"

awtomatikong napahinto ang bangayan nila, napalingon sila sa nagsalita.

Maya-maya lang naramdaman ni Oshien na may humila ng damit niya sa likuran. Pasimple lang yon kaya alam niyang si Julian yun. Pasimple rin siyang lumapit ng konti nang hindi inaalis ang tingin sa mga bagong dating.

"Yan yun Psycho." Mahinang-mahinang bulong ni Julian sa kanya. Tinutukoy nito yung babae sa gitna. Tatlo kasi yung sumulpot sa kanila.

"Gorgeous. Bulag ka talaga Plue. Ano pang ayaw mo diyan?" Hindi nila pinahahalatang nag-uusap na sila sa lagay na iyon. Good thing at maingay rin ang paligid.

"Psycho nga.." napakagat bigla ng labi si Oshien sa binulong ng katabi niya. Gusto niyang matawa.

"May problema ba Miss? Ba't nangingiti ka? Pinagtatawanan mo ba 'ko?" this time, si Oshien na naman ang center of attention.

Bilis makaiwas ng tingin si Julian nang mapuna si Oshien. Mas lalo silang mahahalata niyan eh!

"M..me? Woah woah wait. Hindi ah, wala yun." tinaasan pa siya ng kilay nito saka pinalipat-lipat ang tingin sa kanila ng katabi niya.

"Really? Bakit parang nag-uusap kayo kanina?"

"Miss, kung nag-uusap kami, mga kalapit namin ang unang makakapansin nun. Not you. Magkalayo tayo ng distansya. Anyway, what's with that look? Ay oo nga pala, you're Miss Tiffany Anne Romero right? Rumored Girlfriend daw ng asaw..uhh ni...tong nasa likod ko?"

"Exactly. Alam mo naman pala so you better back off." Nag-gulat-gulatan lang si Oshien sa pagtataray ni Tiffany sa kanya.

Yung mga kasama niya, sina Ally, ngali-ngali naman nang gamitin ang katarayan.

Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon