Delay Delay!

449 12 0
                                    

Napalingon si Sheila sa likuran nila. Parang kasing may nagsisigawan. Bukas rin ang bintana sa side nya  kaya rinig na rinig niya.

"Sheila why?"

"Ha? I think I heard something. Open mo yung window mo. May nagsisisgawan eh." na-curious si Tiffany kaya binuksan niya rin yung side window niya. Oo nga, pati sina Kelven sa harapan nila napatingin rin. Napailing na nga lang. Nang tumingin siya sa side mirror niya, natawa na lang siya..

"So that's what they mean.."

"They mean what?"

"Remember? Diba nag-aalala sila Brent kanina about sa pag angkas ng Flirt kay MJ? That's what they meant. Look how that Oshien shouts! Mabilis magpaandar ng sasakyan si MJ. She's pathetic. She deserve's it."

"You're Lucky too. Remember? Nag-insist ka rin kaninang sumakay sa motor ni MJ. Kapag nagkataon ikaw ang tumitili dyan ngayon."

"Will you just shut up and be on my side?" nagconcentrate na uli si Tiffany sa pagmamaneho ng kotse niya. Pero binabagalan lang niya. Pinakikiramdaman niya kasi sina Julian sa likuran nila. nagkibit balikat na lang si Sheila, balik uli sa sightseeing mode.

"Syete Julian!! Stop this first! Ano ba?!"

"Ano bang iniingay mo Shien nakakasakit ng tenga yung tili mo!"

"Cellphone ko kasi malalaglag na! Kung kanina kasing nakikinig ka eh!! wait ako ng wait di ka namamansin!"

"Eh hayaan mo na! Bumili ka uli!"

"Leche mas mahal pa sa motor mo 'to! Stop!"

"Lokohin mo ate mo!"

"Julian stop na kasi! Malalaglag na!"

"Bahala ka sa cellphone mo.."

"Ju naman malaglag na kasi ano ba!"

"Eh yaan mo bilhan pa kita."

"Juju ko.. stop mo na please! Plue ko... tigil mo na naman oh sige na sige na sige na..." at sa wakas naman.

Huminto rin, kaso biglang preno naman ang ginawa. kung hindi lang malakas ang kinakapitan niya sumubsob na siya sa harap.

"Marunong naman palang makiusap ng matino eh."

"Leche kang Juliano ka! Kala ko mamamatay na ko! Leche ka talaga! Pa'no kung nalaglag yung phone eh ang mahal mahal nito!" sigaw niya sabay batok at hampas kay Julian. Buti nakahelmet ang kumag.

"Mahal? Ako pa niloko mo bilhin ko pa yan eh."

"Mahal 'to kasi may sentimental value loko! Mga picture dito hindi ko pa nakokopya sa laptop ko tapos.."

"Yung mga pinagpapantasyahan mo nandyan rin ganon?"

"Oo! Tapos yung mga stolen shots ko sayo wala pang kopya yun!"

"Nak ng baka, yan lang pala iniisip. Hello? Nasa tabi mo na kaya ako? Picture ko pa pinagpapantasyahan mo. Hindi na nakutento sa pananantsing." Nasuntok nga siya sa braso. The strong one. "Aray! Hoy porque di kita nilalabanan ah!"

"Makabintang ka naman kasing nananantsing eh ikaw naman nagbibigay malisya. Nakakainis ka. Lagi mo 'kong ginaganyan nakakaasar." Sabi ni Oshien bago isinuksok sa bag yung cellphone niya. Bumalik na rin siya sa motor.  Sa kalokohan ni Julian ayan, nabwisit na. Umandar na naman ang pagka-moody. "Tara na."

"Uyy.. napika ka na naman?"

..

..

No reaction..

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now