Boom Day Four part 2

389 10 4
                                    


              Kanina pa iyak ng iyak si Justine sa kama. Nakatalukbong lang siya ng kumot. Hindi nga niya napansing pumasok na rin ang kuya niya doon. Panay ang salita niya ng masama kay Oshien. Galit talaga siya dito. Pinakikinggan lang siya ng Kuya niya. Maya-maya naupo na lang si Julian sa may couch.

"Tama lang yan sayo Justine." Napatahimik si Justine sa pag-iyak nang marinig si Julian. Bumalikwas siya ng bangon dito.

"Kuya pati ba naman ikaw? Kinakampihan mo siya? She hurt me! She slapped me then ipagtatanggol mo pa siya? I hate you too!" sigaw niya saka pinagbabato ng unan ang kuya niya. Hinayaan lang niya ito hanggang mapagod at tumigil na.

"Kulang pa nga yan eh. kung ako ang ginanun mo baka napadugo ko pa yang nguso mo."

"What? Kuya.."

"That's ill-mannered. Justine ang bastos mo ah. Nakakatanda ako sayo. Pati ate mo sinisigawan mo. Sino nagturo sayo niyan? Nagsasalita pa 'ko sinasagot-sagot mo na 'ko?" nagulat si Justine. Hindi niya kasi akalaing pagsasabihan siya ng ganun ng Kuya niya. Tahimik lang kasi ito kapag nagpapatoga siya. Sinusunod lahat ng gusto niya. Ngayon, nag-iba siya.

"I'm sorry kuya.."

"Sorry? Kaya mo naman palang sabihin yan bakit hindi mo magawa kay Oshien?"

"Because I hate her!"

"Don't shout at me isa pa, dadagdagan ko yang nasa mukha mo. Justine don't be like this. Hindi ako galit okay? Naiinis lang ako kasi hindi ko gusto ang pinapakita mo. Ate mo yun eh. ang bait bait sayo tapos ganun ka? Kahit anong mangyari dapat tanggapin mo siya. Baby mahal ka nun. Kahit ano binibigay niya sayo. Diba kahit ayaw ko pinipilit niya para lang sayo tapos ganyan ka? Hindi mo ba ma-realize yun ha? Wag mo namang sungitan si Oshien."

"Wag sungitan? She's stealing you from me."

"Hanggang kailan mo yan sasabihin? Justine kahit ilang beses mong gawin yan, hindi ka susukuan nun. Maniwala ka."

"Bahala siya. Bakit ako naman ang nauna sa kanya ah. Tsaka kapatid mo 'ko!"

"Baby bago ka pa ipanganak nakilala ko na siya."

"Kuya?" nagtaka si Justine, parang may hindi siya maintindihan. Medyo naging interested siya sa sinabi nito. "Kuya what do you mean by that?"

"Wanna hear a story?" siyempre bata, agad umayos si Justine ng upo sa kama para makinig sa kapatid niya.

"Okay, nakwento na ba sayo nila mama kung ano origin ng beautiful name mo?"

"Ah? No kuya. ang galing nga kasi yung name ko, pinagbaliktad niyo lang yung acronym ng name mo. Pero ano nga ba talaga origin kuya?"

"Back in highschool kasi, 4th year yun. Nung nasa tummy ka palang, hirap kami mag-isip ng pangalan para sayo. As in hirap. Tingnan mo ha, dalawang pamilya na nag-iisip wala pa rin. Family ni Oshien at kami. Pati nga ako pinapatulong, eh asahan mo naman ako. Parang may matino kang makukuha sa'kin. Kung anu-anong kalokohan na nga yung pinagsasabi ko. Tinry ko naman talaga mag-isip kaso wala."

Nung time na yun, snubbish pa si Oshien. Hindi sila gaanong nag-uusap. hindi rin kasi gaanong nagsasalita. Parang laging mainit ulo. Tsaka hindi pa sila gaanong close. Magkakabatian, tatango-tango lang. Tapos kapag magtatawagan sa bahay hindi rin magpapansinan. Wala nga talaga silang pakialam sa isa't-isa.

"But one day, nung nasa school ako... If I'm not mistaken, breaktime yun eh. nagulat ako, kasi may naglapag ng folded paper."

"Kuya love letter yun?"

"Ang bata-bata mo pa, yan na agad nasa isip mo. Patapusin mo muna ako. Speaking of love letter, akala ko rin nga ganun. Tapos pagtingala ko, alam mo Jusitne? Kung totoong love letter yun, baka inatake ako. Si Oshien kasi nagbigay. The quiet one. Hindi yung ngayong version niya ha. Tanda ko pa nga yung sinabi niya pagkaabot...

Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon