Feeler Allergy

427 11 0
                                    


Halos hindi pa rin makaisip ng maayos Oshien sa pinagagawa ni Julian kanina. Ano ba naman kasing kalokohan ang pinagsasabi nun? Tapos parang kino-connect na tuloy siya sa lalaking yun. Pa'no na kung malaman nilang may asawa na siya? Siyempre medyo mahirap na rin yung ganong sitwasyon. Baka kung ano pang isipin nila. Isa pa, alam ng school na si Tiffany ang rumored girlfriend ni Julian. Baka sabihin pang inaagawan niya. Tapos mamaya gagawa na naman yun ng kwento lagot na. Masira pa si Julian. Pinagagawa naman kasi ng pilyong iyon. Nakakasakit ng ulo!




"Oshien lumilipad na isip mo sa gutom noh?" doon lang nabalik sa wisyo si Oshien nang humarang na sa harapan niya si Ally. Oo nga, kanina pa sila nakaupo sa lobby. Wala lang, pahinga daw muna bago baba.





"Hah, hehe, siguro nga. Tara?"





"Gora! Ako talaga'y nagugutom na eh." nagligpit na nga sila ng gamit nila para makaalis na.






"Oh, hello there Oshien!" way of speaking pa lang nkakairita na. Makikilala agad kung sinong nagsalita.




"Andyan na naman ang tres echuseras."



"Ally?"



"Oshien hayaan mo lang, nabubwisit na rin kami diyan eh. ano bang gusto niyan? Lagi ka nalang pinag-iinitan." Mahinang sabi ni Jane. Sila sila lang naman nagkakarinigan. Humarap na rin sila sa tatlo after magligpit.




"Ano na naman Tiffany and friends?"





"Oh nothing in particular."




"I heard nagkaron ng eksena kanina sa room niyo ah." Sabad ni Sheila. Napaismid naman bigla si Sophie dito.




"PA'nong 'di malalaman eh katabing room mo lang kami."





"Speaking na rin pala. Tinawag ka daw "Asawa" ni MJ? Wow, edi tuwang-tuwa ka na naman? Siyempre Apple of the Eye ka ng madla eh."




"Why? Insecure ka?" natawa lang si Tiffany sa tanong ni Oshien pero halatang nainsulto.





"Insecure? For what?"




"For what? Hmmm.. let see.. Ah! Kasi once in your whole college life, MJ didn't do that kind of scene to you. Am I right?" napangisi si Oshien sa naging reaksyon ni Tiffany. Ibig sabihin tama siya. Napipikon na eh. konti na lang.




"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo ha!" banta na rin ni Cynthia.




"Aba, sumabat ang dakilang epal. Baka kayo ang mag-ingat sa mga pinagsasabi niyo ha!" sumali pa si Ally. Magkakagulo talaga nito pag nagkataon.




"Don't worry about me, hindi ko naman kailangang mainsecure sa taong may asawa na, sumasakay  pa sa mga biro ng ibang lalake. I mean the serious one. Nakaka-flirt isipin. Hey don't get me wrong okay. Nandito ako para makipagbati sayo. And I just wanna congratulate you for your marriage. Belated congratulations. Guys? Hello there guys!" tawag pansin niya sa mga taong nasa lobby kahit yung mga dumadaan lang. "Why don't we congratulate our beloved friend for her marriage? Oshien Anne Cruz? Congratulations for having a handsome husband!"




"Bwisit talagang Chucki'es girl 'to. Baka nga bitawan mo si MJ kapag nakita mo asawa ni Oshien eh. Feeling nakita na asawa." Mahinang sabi ni Ally.





May ibang nagulat, karamihan doon yung classmates nila, yung iba ngumiti lang, may mga wala lang. Talagang balak nitong sabihin sa lahat na may asawa na siya para saan? Para san pa nga ba? Siyempre nang hindi na niya maging kaclose si MJ.





Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon