Face This..Hule..

484 10 0
                                    

                              WARNING: RATED FT po..

            The following conversations contains Freakish Talks which may not be suitable for your eyes and minds.

please bear with this. It's just  for the sake of expression impact.

Can't help eh..

Wag niyu ku rereport ah.. I gave a big warn warn na..

Sarang Sarang Sarang!!

        Ngali-ngali nang pindutin ni Oshien ang door bell sa pinto. Nakapagrefresh na siya kanina nang umalis sa school pero wala talaga. Kahit pala bumaba na yung init ng ulo niya hindi pa rin mawala wala ang inis niya. Lalo na kaninang nagda-drive siya pauwi. Siguro dala na rin ng pag-aalala. Bumili pa nga muna siya ng gamot bago dumiretso ng uwi.

Kung saan saan na siya naglilibot para lang mawala yung bwisit niya. But she guess hindi talaga maaalis 'to. Not unless she finally got home. Malilintikan talaga yang Juliano na 'yan oras na pagbuksan siya ng pinto. Makakatikim yan talaga. Hindi na siya makapagtimpi.

Kaya nga kahit konti palang ang bukas sa pintuan tinulak na niya agad. nagdire-diretso siya ng lakad papasok sa loob.

       "Pagsabihan mo yang babai-babaihan mo sa school ha. Napaka-careless niyan. Punyemas, wala bang alam yan? Ang kapal ng mukhang sabihing boyfriend ka pero hindi alam ang pwede at restricted things about you? My gosh! For four years na pang-aangkin niya sayo, hindi man lang niya naisipang alamin yon? Ano pa bang alam ng Tiffany na yan maliban sa pagsisilbing bossy guard, bubully at talandi sayo? Tanga ba siya ha? Gago pala yan eh walang alam! Pucha ang sarap sakalin! Kanina kating-kati na 'kong sapakin yun eh. ako pa ba gagaguhin niya? Anak ng tinapa, tiis na tiis ko pa yung pang-aakusa niya sa'king malandi ako eh pero yun..gosh. simple thing? Simple thing na pwede mong ikapahamak hindi niya alam? How unusual? Kalandian lang ba alam niya? Shit siya kung ganun!"

"Oshien Anne! Shut your.."

"Why should I? Fuck that Bitch! Wag niyang magawa gawa sa harapan ko 'yon. Ang bobo amputa... I swear sisirain ko talaga lahat ng tinatago ko punyeta sya! Pano kung may nangyaring masama sayo kanina? Last time na nangyari sayo yun hindi ka nakapasok ng isang linggo diba? Buti nga napigilan ko pa kanina eh.  Ikaw! Gago ka rin eh. Wala kang panlasa? Hindi mo nalasahan yung kinakain mo? Na'san utak mo non?! Tang Ina lang!"

       "So yun pala talaga ang real reason kung bakit namamantal yang braso mo Julian, allergy. Hindi pala higad?"

Natigilan bigla si Oshien sa pagsesentimyento niya nang marinig niya iyon.

Familiar feminine voice.

Anaka? Ibig sabihin hindi lang sila ang tao sa bahay? Sa sobrang galit niya  nagdire-diretso na lang siyang lakad sa buong bahay. Hindi niya tinitingnan si Julian o kung sino mang tao ang nandun basta gusto niyang sabihin lahat. Tsaka inis na inis na siya kaya wala na siyang pakialam. Hindi na siya naging aware sa paligid niya.

Dahan-dahan siyang lumingon sa likuran niya. Medyo napapikit pa nga siya ng mariin bago tuluyang tumingin sa harapan niya.

Pagdilat niya, tama na naman siya. Kilala niya nga kung sino yung huling nagsalita.

"Ma? Pa? B..k..kanina pa k..kayo??"

           Kasabay ng pagtiklop ng libro ang pagbaling ni Julian sa pintuan ng kwarto. Tumunog na kasi ang door bell nila. Isang beses lang yun. Dali-dali na siyang tumayo para bumaba na. Alam na niya kung sino ang dumating. Kanina pa nga siya naghihintay para salubungin sana si Oshien sa labas ng bahay kaso bigla namang dumating yung mga parents nila. Siyempre in-entertain niya muna. Pinipilit pa niyang itago yung allergy niya pero napansin pa rin kaya nagpalusot na nalang siyang nahigad kaya ganun yung nangyari. Namantal. Ayaw na rin kasi niyang palawakin pa ang usapan kaya gumawa na lang siya ng kwento. Ayaw na rin niyang mag-alala pa yung mga magulang nila.

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now