Medical Revelation II

456 10 0
                                    


_________________________

"What the heck did you...?!"

Siniguro muna ni Oshien na wala ibang taong makakarinig sa kanila bago dire-diretsong umupo sa harapan ni Julian. Ngiti pa lang nito kaninang tinititigan siya, recognizable na agad kung sino. Sigurado siyang ganon rin kalapad ang ngiti nito habang pinanonood ang kahihiyan niya kanina.

"Julian what are you doing in here? Hindi ka pwede dito. You're not a doctor, not even a registered nurse! Gusto mong makasuhan ng malpractice sa kalokohan mo?"  mahina niyang sabi pero may diin.

"Easy my Dear. Tigilan mo nga yang pag-aalala mo. Tingin mo uupo ako dito para mantrip lang?"

"Hmm? Hindi yan imposible, ikaw pa."

"Sama mo ha, I hechu! Anyway, ise-set aside ko ngayon 'tong sakit na nararamdaman ko. You hurted me na naman ah. Papel mo."

"No way! Julian al.."

"Pwede namang mag-explain habang nag-eexamine diba? Akin na nga, ayaw pa magtiwala eh." si Julian na mismo ang kumuha ng paper niya sa kanya saka nagsimulang magcheck up. "Halos lahat ng mga Doktor natin dito nasa medical mission pa. After lunch ang dating nila. Kinulang rin ng mga volunteered nurse dito kasi karamihan kasama doon. Kaya kami nandito."

"Kami?"

"Yupp, kami. Centaurus. Check the other booths." Sumilip nga  siya sandali sa ilang booths na nandoon.

"Okay, pakibigay na lang po ito sa nag-aasist sa labas hah?" narinig niyang sabi ni Jesrell sa katabing booth nila.

"Ah sige po salamat."

"Oh, bukod sa itsura mo, ano pang problema natin Boss?" biglang natauhan yung lalaking nakaupo sa harapan ni Jesrell kaya napatayo na lang ito saka umalis na.

"Loko naman yun Plue."

"Tingin ka sa harap mo." Cubicle naman kung san' nag-aasist si Brent.

"Oh Kuya, medyo nanlalabo na mata niyo? Nagsasalamin na ba kayo?"

"Hindi po."

"Ah sige,  mamaya po paglabas niyo rito, meron pong booth doon katabi nitong examination room.  Pasok po kayo doon, nandun po yung magandang Miss Doctor natin, siya na po ang mag-che-check sa inyo."

"Ganun po ba, sige po salamat."

"Okay. Kuya kasi, minsan pahinga-hingahan rin ang mata. Wag masyado magpuyat kapapanood ng porn."

"The.. ganyan kayo mag-assist dito hah?"

"Easy Shien, wag mo 'kong titigan ng ganyan. Hindi naman lahat eh. check mo si Kelven."

"Ay, hindi po ba kayo ang mag-aadvice sa pwede ko pong gawin?"

"Sorry po, ayokong makasuhan. Bawal po kaming gumawa ng any procedure. Hindi kami allowed na magreseta tsaka magrecommend ng bagay na pwede niyong gawin, minor lang po kasi ang hinahawakan namin. Hindi po kami registered nurse eh, volunteers lang po. Si Doc. na ang  gagawa non'."

"maka-explain naman 'to wagas. Plue, teka teka nga muna.."

"Upo na Shien, mapansin ka pa ng mga yan magkaproblema pa." Sumunod naman si Oshien sa sinabi ni Julian, umupo na uli siya.

"bakit kayo allowed mag-check dito hah? Ano 'to?"

"Easy, hindi naman ako gagawa ng prank trip na ganito noh. Permitted kaming gawin 'to."

"Lahat kayo ng Cento?"

"Wow! Nice Shien! Ikaw palang nagbigay ng nickname sa'min ah. Magamit na nga rin yan."

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now