Simple Hours..

491 11 0
                                    


++++++++++

"Grabeng eksena yung nangyari kanina ah. MJ haba ng hair mo!"

Nasa tambayan na naman nila ang Centaurus.

Wala, hindi rin talaga natuloy yung laro nila. Hindi na equal yung players kaya ayawan na agad. Ang init-init nga ng ulo ni Tiffany nang maghiwalay sila. Ang dami pang sinasabi. Ayaw na nga nilang makinig pero no choice. Akala mo nanay kung makapanermon. Ang sakit sa tenga. Kulang na lang nakapamewang para full pack na!

(FLASHBACK)

"See?! Tingnan niyo yung ginawa ng babaeng yon? Napakabastos niya! Pa'no niyo naatim pakisamahan 'yon? Tsaka, tsaka sa'n niyo ba nakita ang mga iyon ha?" paghi-hysteria ni Tiffany sa harapan nila.

"Tiffany naman kasi, hindi naman magiging ganun yung situation.."

"Kung wala ako? Kung wala ako ngayon, malamang nalandi na kayo nun. Hindi ba halatang may motive sa inyo yun? Pumili naman kayo ng kakaibiganin ninyo."

"Tiffany don't be judgemental okay?"singit na ni Kelven sa usapan.

"Judgemental? Ako pa ang judgemental? Kung humanap naman kasi kayo ng ..."

"Ow MyGoodness! Betchie by golly wow!! Mga Papa nalimutan nating linisin yung garden! Patay tayo kay Manong Gardinero ngayon! Ayoko na mahampas ng

walis nun! Nasisira hairstyle ko! Ayoko magkaroon ng Temporary Restraining Order dun! "

agaw eksena na ni Julian. Alibi Master talaga 'to, nakakuha tuloy yung tatlo ng dahilan para takasan ang sermon ng dakilang pakilamera..

"Hala? Oo nga! Gagi baka pagbawalan na tayo nun! Brent tara na! Yung walis hiramin mo dun sa janitor! Magpupulot lang muna kami dun!" sakay ni Jesrell. Yung itsura ng grupo nina Tiffany hindi na mai-explain eh.

Natataranta na kasi yung mga nasa harapan nila. Si Julian nga tumakbo na palayo nang utusan ni Jesrell si Brent. Si Kelven nagmamadaling sumunod na rin.

"Tiffany pasensya na! Sa susunod na lang!" pahabol ni Jesrell saka tuluyang kumaripas ng takbo.

Let's Play! Husband and Wife!Where stories live. Discover now