Boom Day Four part 1

404 10 5
                                    

"Kamusta na si Justine? Okay na ba siya? Dumaan ako sa botika kaso sarado na kasi. Hindi na ba siya sinusumpong?" tanong agad ni Oshien pagdating nya. Nahatid na niya sila. Buti na lang walang nangyari sa mga yun.

"Okay na. Mukha napasukan lang ng lamig. Yung pinuntahan mo okay na rin?"

"Ha? Oo okay na. Thank God naman okay na siya. Kinabahan talaga ako sa kanya Kanina. Halos nahahati yung atensyon ko. Buti na lang talaga." Napaupo na lang si Oshien sa sofa.

"Wag ka na nga mag-alala. Magpahinga ka na. Pagod ka na. Pati isip mo pagod na rin."

"Hindi mo 'ko masisisi Ju. Alam mo naman kung ga'no kaimportante sa'king makuha loob ni Justine diba? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang bigat ng loob niya sa'kin. Ginagawa ko naman lahat. Feeling ko parang may Chibi version si Tiffany sa bahay."

"Baliw. Sige dalhin mo siya dito. Kahit pinagsasabihan ko rin about you ayaw makinig eh. tigas ng ulo."

"Hayaan mo na. Ako nang bahala. Siguro naman makakaisip ako ng paraan diyan. Una ka na sa taas. Pahinga-hinga lang ako ng konti."

"Sure ka Shien?"

"Oo naman. Besides ayokong makulit mo. Nakakapagod ka mang-asar."

"Pasalamat ka nakikisimpatya ako sa mood mo kung hindi... hindi na 'ko makapagloko sa gap ninyo. Hindi mo ba alam na naiipon na yung asar energy ko? "

"Heh. Sana pala hindi ko na nabanggit.  Layas na." Ngumiti na lang si Julian kay Oshien bago umalis. Ang hirap naman talaga magloko kapag ganito ang aura ng bahay. Ang hirap paganahin.

Hindi maintindihan ni Justine kung bakit  lagi niyang inoobserbahan sina Julian at Oshien kapag magkasama. Kapag naghaharutan di kaya nagkakatuwaan. Naiinis siya oo. Gusto niyang agawin lahat ang atensyon pero bago niya nagagawa, nanonood muna siya. Hindi niya mapigilan at hindi niya alam ang dahilan. Basta simula ng pumunta siya dito yun na gawain niya. Pero 'pag  i-aaproach naman na siya ni Oshien nabubwisit na siya. Ayaw niya talaga kapag nandyan yan. Mas naiinis siya lalo kapag tipong nagsusungit na siyang lahat lahat, ang bait-bait pa rin nito sa kanya. Saan ba niya nakukuha ang patience niya? Ewan basta ang gusto niya lang, kuya niya. Bahala ang Oshien na yan makisama sa kanya.

sabay sabay na silang kumain ng almusal kinabukasan. Dating gawi. sina Oshien at Julian nag-uusap lang. Nakikinig naman si Justine sa kanila. Kunwaring busy lang sa pagkain.

"Julian nasabi na pala sayo ng Centau na may plano para bukas hindi mo naman sinabi. Kung hindi pa nagkwento sina Jane hindi ko pa malalaman. Andaya mo."

"Hmm? Ah! Oo nga! Eh teka, ang alam ko si Ally nagsabi daw nun ah?"

"Hah? Hindi. Wala."

"Wala? Eh bakit sabi ni Brent kinwento na daw ni Ally sayo?" pilit inalala ni Oshien kung naikwento na nga ba ni Ally sa kanya. Wala talagang pumapasok sa isip sa isip niya.

"Wala talaga."

"Sa field? Nung play day?"

"Play day?... Ahhh... Shoot! Yun nga ata yung sinasabi sa'kin ni Ally nung hindi ako nakikinig!"

"Ikaw naman pala may kasalanan eh."

"Sorry naman. Iba iniisip ko nun eh." yung kasalanan niya kasi nung time na yun ang nasa isip niya. wala siyang alam sa pinagkukwento ni Ally.

"Ano sama tayo? Ghost Hunting yun."

"Sige ba! Saan?"

"Tapang mo ah. Alam mo kung saan. Nagpunta na tayo dati doon."

"Teka, yan ba yung bahay malapit sa, malapit konti sa Hotel na bongga?"

"Yupp doon nila napag-usapan eh."

Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon