Continuous Troubles

433 12 0
                                    

Napatikom na lang sa gilid si Oshien. Na-guilty kasi siya sa mind message ni Julian sa kanya kanina. Ganun pala yung nararamdaman niya. Akala kasi ni Oshien, easy go lucky lang si Julian. Yun pala, may..Mamaya talaga magso-sorry siya sa ginagawa niya.

"Hi Tiffany. Musta buhay buhay?" tanong agad nito habang inaayos yung mga Chess piece.

"Teka teka, MJ. You're not allowed.."

"Why naman? Ayaw mo 'ko makalaro? Kakatampo naman." Nagpout pa si Julian. Parang hindi tuloy makatanggi si Tiffany sa kanya.

"Hindi naman sa ganun, not this time kasi.."

"Sige na minsan lang eh tsaka tataka ka pa ba? Eh magaling ka nga dito? Game ako una titira. Ay di pala, ladies pers."napilitan na lang tuloy siyang makipaglaro. Si Julian talaga katapat nito.

Seryoso na naman yung mga nanunuod sa ginagawa nila. Kahit sila Oshien tahimik lang. Pero yung naglalaro ang maingay. Nagbubulungan kasi. Medyo nakukunot na nga noo ni Oshien kasi baka mamaya nagpapacharm lang ang magaling niyang player para magpatalo si Tiffany. Ayaw niya ng ganun..

Ayaw ng  unfair o ng may kaAffair???

"Kamusta club? Buti marami pang sumasali." Pasulyap-sulyap si Tiffany kay Julian habang naglalaro sila. Yung isa naman nakatingin lang sa board.

"Ha? ayun okay lang. So far so good."

"Oh. Nga pala bilisan lang natin ha. Magaling ka naman eh matatalo mo 'ko agad." Halatang flattered si Tiffany sa pinagsasabi ni Julian. Panay kasi ang ngiti. Minsan lang kasi niya ito makausap ng ganyan.

"Pwede naman nating tagalan. Marunong ka naman ah."

"Marunong eh talo nga 'ko lagi ni Batchoy. Ah!"may nambato kasi sa ulo niya maliit lang naman pero malakas rin. Napatingin agad sa kanya si Tiffany. Kilala naman niya kung sinong bumato. Hanggang dun ba naman ang lakas ng panrinig?

"Okay ka lang?"

"Oo, nabato lang ako. May napikon kasi."

Ganun lang ng ganun ang gawa nilang dalawa habang naglalaro. Mga 15 minutes na rin lumipas after they started. natahimik na rin si Julian. Hindi naman siya tagilid. Tama lang. Napapansin rin ni Tiffany na sumeseryoso na ang kalaban niya. Siya rin naman.

"Ano bang gusto mo?" nagtaka siya nang biglang magtanong si Julian ng ganon.

"What do you mean?"

"You know what I mean. Bakit mo 'to ginagawa kay Oshien? wala naman siyang ginagawang masama sa'min. Lalo na sayo."

"Hey, don't bring her up so sudden."

"I'm fighting for her right now so why don't?" Hindi man siya nakatingin, alam niyang nasaktan si Tiffany.

Nakatingin pa rin kasi ng mataman sa kanya. Kaya nga pabulong lang ang ginawa niyang conversation para hindi ito mapahiya.

"MJ, I'm just protecting you. Kayo nila Brent. May balak ang babaeng yan. Umpisa pa nga lang halata nang may motive siya. Bakit niya kayo babanggain at the first place kung wala siyang balak magpapansin? Especially sayo?"

"Ang bilis ng chismis diba?" hindi lang laro nila ang sumeryoso. Pati usapan nila. Pagdating talaga kay Oshien ang seryoso ng mood.

"MJ, listen to me. Gusto ko lang namang gawin yun kasi, ayokong mapahamak kayo. That's why I have to tell to all na she's married na. Para rin naman sa kapakanan niya yun."

"You're turning her down can't you see? Bago pa lang siya dito tapos ganyan na ang way of treatment mo? Pa'no kung lumipat yan? Na-bad record pa yung school?"

Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon