CHAPTER 121

1.9K 80 101
                                    

Chapter 121:


SUNNY's POV

DALAWANG TAON. Dalawang taon na ang lumipas. Sobrang daming nagbago. Graduating na kami. Konting panahon nalang at aalis na din kami sa paaralang ito. Ang paaralan na kung saan ang daming alaala ang nabuo.

Andito ako ngayon sa may field at nakaupo sa bench. Nakatulala. Kung anu ano iniisip. Hindi na kami ganun nagkikita ng tropa. Inisip ko nalang, busy na kasi nga patapos na kami sa pag aral. Pero hindi eh. Sobrang dami talagang nagbago. Wala na akong naririnig na asaran, tawanan at kwentuhan. Nagsimula 'to nung araw na iniwan kami ni Cate. Iniwan niya kami nang walang pasabi. Sobrang sakit. Para niya kaming trinaydor sa ginawa niya. Hindi ko alam kung anong naisip niya at hindi niya ipinaalam samin ang pag alis niya. Hindi ba kami importante sakanya? Ganun na lang ba kadali yun sakanya? Hindi niya ba naisip kung anong mararamdaman namin na mga kaibigan niya? Lalong lalo na si Kayden. Siya ang nasaktan sa ginawa ni Cate.

*FLASHBACK*

"UY TEXT NIYO NA SI CATE! BAT WALA PA SIYA?" -inis na sabi ni Ara. Dalawang oras na kaming nag aantay dito sa bahay nila Ryan sakanya.

"Baka naman may ginagawa pa?" -Sander

"Tinatawagan ko siya ilang beses pero hindi sumasagot." -Kayden

"Sunduin nalang kaya natin?" -Tyson

"Wag na, darating din yun." Kalmadong sabi ni Kayden.

Umabot ng limang oras ang pag aantay namin pero wala siya. Nakailang text at tawag kami pero nakapatay phone niya. Tandang tanda ko pa na um-oo si Cate lastweek at pupunta siya dito sa bahay nila Ryan. Lumamig na lahat ng niluto namin kakaantay sakanya. Ang ending, lahat kami nagpunta na sa bahay nila para sunduin siya. Jusq, nasaan naman kaya yun? Baka nga nag gown pa.

Pagdating namin sa bahay nila, bumungad samin yung guard.

"Manong si Cate po?" Tanong namin.

"Ah sorry po, ngayon po flight nila pa U.S., baka nakaalis na."

"FLIGHT?!" Sabay sabay naming sigaw. Parang hindi kami makapaniwala sa narinig namin. Flight pa U.S. ?!

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now