90.

6.8K 205 34
                                    

90. Happiness

"Maraming rason para mapagod ang isang tao. Swerte mo nalang kung mahal ka pa niya after all the things you’ve done."




SANDER's POV

Whew.. mag-isa ko nanaman ngayon, aish kainis. Kasama ko dapat sina Ara at Sunny ngayon eh dahil parehas kami ng mga vacant. Pero wala dahil nagpunta ng mall yung dalawa, bibili nanaman ng ewan. Sasama sana ako kaso bigla akong tinamad.


Habang naglalakad akong mag-isa sa hallway ay bigla nalang may bumangga sakin. Nagkasalubong agad yung kilay ko nung makilala siya.


"Ops sorry! Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo ha?" Nakangiti niyang sabi. Wow, ako pa dapat tumingin sa dinadaanan ko? Eh siya nga itong alam pala kung saan dadaan eh.


"Diba ikaw si Lyka?" Sabay turo ko sakanya. Ito yung maingay na babae na sobrang lakas kung makatawa.


"Naalala mo pa pala ako, yiie!" Watda, bat siya kinikilig?


"Ayst, nevermind." Pinagpatuloy ko na yung paglalakad ko pero napatigil rin ako nung naramdaman kong may humihila sa uniform ko. Agad kong nilingon kung sino at nakita ko siya. WTF.


"Pwede bang sumama sayo?" Kinurap kurap niya pa yung mga mata niya. Lul, what's wrong with this girl? Bat sakin pa siya sasama?


"Sorry pero we're not that close para magsama tayong dalawa." Inismiran ko siya at naglakad na uli.


"Edi i-close nating ang isa't isa!" Pahabol niyang sigaw.


Napapikit naman ako sa inis at agad na kinuha yung phone at earphone sa bag ko sabay saksak nito sa magkabilang tenga ko. Minax volume ko na rin para di ko na siya marinig. Sobrang ingay niya.


Pinagpatuloy ko na ulit yung paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa may field. Nung makahanap na ako ng tatambayan ko ay dali dali akong umupo at pumikit. Feel the air mga bruh, hehe.


"Sarap ng hangin diba?"

Fota, she's here again. 😑


Agad kong minulat yung mata ko at tumingin sa tabi ko. Sabi na nga ba, tsk.


"The heck! Bat mo'ko sinusundan?!" Inis kong tanong.

"Gusto kasi kita, hehe." Ngumiti siya sa kawalan. Huta', gusto niya ako? Siya palang ang unang babaeng nagsabi sakin niyan.


"Iba nalang gustuhin mo." Dahil wala naman siyang mapapala sakin. Kung totoo man na gusto niya ako, habang maaga pa eh kailangan ko ng sabihin sakanya na wala siyang pag-asa.

"Ang hirap naman niyang pinapagawa mo."

"Anong mahirap dun? Ang dali lang kaya. Ang dami namang pogi jan eh."

Tumawa siya ng malakas. Ang ingay talaga. "Akala mo lang madali." Bigla siyang tumingin sakin kasabay nun ang pag iwas ko ng tingin sakanya. "Ang cute mo, ang galing mong sumayaw, pag kasama mo mga kaibigan mo tawa ka ng tawa, ang hyper hyper mo, ang sarap mong pagmasdan. Sino ba namang hindi magkakagusto sayo Mr. Brent Sander Martinez?"

Stalker ko ba to? 😒

"Kilala mo na ba ako? Hindi pa diba? Ganyan ka ba sa lahat ng nagugustuhan mo? Nilalapitan mo tapos kinakausap? Hindi ka ba nag-iisip? Baka mamaya masamang tao na pala yung kausap mo."

"Hindi ka naman masama diba? Tsaka kaya nga ako lumalapit sayo para maka close ka."

"Pwes, wag ako." Tumayo ako at tumingin sa mga mata niya ng diretso. "Hindi ikaw yung tipo ko." Nginisihan ko siya at naglakad na palayo.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now