96.

7.6K 203 64
                                    

97: Pool party Part II

"There is nothing on this earth more to be prized than true friendship

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"There is nothing on this earth more to be prized than true friendship."

××

"Hi CL."



Literal na napanganga ako ngayon. Hindi ko alam pero hindi ako makagalaw. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko kasabay nito ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"KD?"

"Gulat ka noh?" Sabay tawa niya ng mahina. "Sinama ako ni Kuya eh. Teka, bat' para namang ayaw mo'kong makita niyan?"

"Ahh ano kasi.." baka makita kami nila Ryan. Dapat ko ba siyang kausapin? Ampp. "Nagulat lang ako." Patay malisyang sagot ko.

"Okay. Kasama ko nga pala si Aisha, nasa comfort room siya ngayon."

"K-KD, aalis na ako ha? Baka kasi makita pa tayo nila Ara eh. Anjan lang sila." Kailangan ko talagang magmadali, hindi ako mapakali eh. Baka anytime suntukin siya nila Ryan. Narinig ko pa naman sila dati na magjojoin force silang lima pag nakatapat nila si KD. Ano yun voltez 5? Pft.. pero seryoso, ayoko namang mangyari yon. "Aalis na ako ha?" Paalam ko ulit.

Ngumisi siya tapos ngumuso sa likuran ko.

"Baket?" Nagtatakang tanong ko.

Ngumuso ulit siya sa likuran ko. Dahil dito ay naisipan ko ng lumingon sa likuran at nabigla ako nung makita ko sina Sunny at Ara. Naniningkit yung mga mata nilang nakatingin sakin tapos pareho pa silang naka cross arms.

Patay.

"What's the meaning of thissss?" Usisa ni Sunny.

"Ahhhh.." shaks, ano bang ipapalusot ko neto. "Wala.. tara na?"

Akmang hahakbang na sana ako paalis kaso pinigilan ako ng dalawa.

"Ops, san ka pupunta?" Mataray na tanong ni Ara.

Grabe, hindi ko na alam gagawin ko. Nakakatakot yung tingin ng dalawang to.

"Tara na.. mukhang nanalo na si Ryan oh!" Sinubukan kong maglakad paalis kaso nakahawak silang dalawa sa braso ko kaya hindi ko magawa. HUHUHU. T,T

"Dito muna tayo girl! Nag-uusap pa yata kayo eh." Nakangiting sabi ni Sunny.

"H-hindi ah!" Binigyan ko siya ng no way look.

"Oo nag-uusap kami." Ohmygad KD! Bat mo sinabi?! Lagot ka .. I mean lagot tayo niyan. >,<

Bigla naman akong dinurot durot ng dalawang magaling kong kaibigan na ikinagulat ko.

"Sige na mag-usap muna kayo. Promise, hindi ito makakarating kila Tyson." Ang lawak ng ngiti ni Ara.

Pero masaya ako kasi hindi sila against samin ni KD. Akala ko nga magagalit sila eh, pero eto .. sila pa nag pupush na mag kausap kaming dalawa. Ang babait naman talaga nitong mga kaibigan kong to.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now