61.

9.7K 262 98
                                    


❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

THE COMEBACK IS REAL!

😂😂😂😂

CATE's POV

January 8

7:45 AM

"Hahahahahah-- awch! Ano ba Cate?! Kita mong tumatawa ang tao dito tapos babatukan mo."

"Eh grabe naman kasi yang tawa mo. Halos rinig hanggang 3rd floor."

"Ang KJ mo naman! Tignan mo kaya yung mga kaklase nating bading oh." Sabay turo ni Ara dun sa mga kaklase naming beki na naghaharutan sa may harap ng room namin. Muntik na akong matawa nung makita kong naghuhubadan sila ng mga pang ibaba nila. Kita na nga yung mga pwet nilang kasing itim ng mga budhi nila. 😂

"Haha gagu, ang lalaswa." Iniwas ko yung tingin ko sakanila. Nakakasuka kaya.

Oo nga pala, maaga akong pumasok dito sa school, mga 6:40 nandito na ako. Hinatid ako ni Papa dito. Excited na nga ako kasi makakasama ko na ulit si KD mamaya sa bahay. Hindi ko pa nga siya nakikita ngayon eh. Si Tyson nakaalis na nung 2. Wala nga siyang paramdam simula nung flight niya.

"OKAY CLASS GOODMORNING!!"

"GOODMORNING TOO SIR BOBO!"

Ayan na si Sir Bobo. Adviser siya nila Tyson eh. Ang weird talaga ng pangalan niya kahit kailan. Pero kahit ganun, sobrang talino naman nila.

"Bring out a piece of paper and write down your 10 new year's resolution."

Hays, ayan nanaman yung new year new year resolution na yan. Wala na bang bago? -__-

"Okay sir!" Sabay sabay naming sabi.

Lumabas saglit si Sir at naiwan kaming busy na ginagawa yung pinapagawa niya. Nang matapos na eh next subject na-- hanggang sa break time na.

Pagkalabas namin ni Ara ng room ay may isang estudyanteng nagbigay sakin ng isang rose. Nung una nag aalangan ako na kuhanin yon pero nung makita ko yung mukha niya na nakangiti lang sakin eh bigla ko nalang yun inabot.

"Shete ka Cate! First day ng school ngayong taon na to tapos may admirer ka agad! Haba talaga ng hair mo girl!" Kinikilig na sabi ni Ara habang nakakapit sa braso ko.

"Baka pinagtitripan lang ako nung lalakeng yun."

"Trip? Mag eeffort bang bumili ng rose yun kung trip ka lang? Hay naku Cate,kung ak-- wahh, meron uli."

Kumunot yung noo ko tapos tumingin ako sa may harap ko. Lalakeng may hawak ng isang rose nanaman.

"Akin ba?" Tanong ko. Ang kapal ko noh? 😂

"Opo."

"Ah eh, meron na oh hehe." Sabay pakita ko nung hawak kong rose. Akmang aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni Ara.

"Girl, kuhanin mo na. Wag mo siyang ipahiya." Bulong niya sakin.

"Amp, ok." Agad kong kinuha yung inaabot niyang rose tapos pinagpatuloy namin ni Ara yung paglalakad namin.

"Ate, for you." Salubong samin nung lalakeng mukhang lower year. May dala nanaman siyang rose at mukhang sakin niya to binibigay. Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari. Pinagtitinginan pa ako nung mga makakasalubong namin. Anong meron? Hmmmmmp.

"Ah, akin ba talaga yan? January palang ngayon, wala pang February." Sabi ko tapos tumawa lang siya.

"Kunin mo na ate." Nakangiting utos niya. Wala akong nagawa kaya kinuha ko na.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon