67.

9.2K 232 83
                                    


[Wag pang ipe-play ang media]


RYAN's POV


Sa kalagitnaan ng kasiyahan namin ay may bigla akong napansin. "Asan si Tyson?" Tanong ko sakanila.



"Asa labas lang siya kanina pa. Tawagin ko na ba?" Tumayo si Ara pero pinaupo rin agad siya ni Sander.



"Nagtext siya. Sabi niya kailangan na raw muna niyang mauna kasi may emergency sa bahay nila."



"Bat bigla nalang siyang umalis nang hindi man lang nagpapaalam satin dito?" nagtatakang tanong ni Cate.





"Baka kailangan niya talagang magmadali." Sagot naman ni Sander.




"Sayang naman. Ngayon na nga lang natin ulit siya makakasama sa gantong celebration eh." Panghihinayang ni Sunny.




"By the way, pagtapos pala natin dito pwedeng hiwalay muna tayo? Magdi date kasi kami ni Bebs." Paalam ni Paulo sabay yakap kay Ara. Yaks! 😤




"Naisip din namin yan ni Sunny." Sambit ni Niko.



"Okay no problem." -KD




Tumingin naman ako kay Sander na nakatingin rin sakin. "Ah so maiiwan tayong dalawa Ryan?" Mukhang nandidiri pa ang gago.




"Ulol, idedate ko nalang yung aso namin kesa sayo!"




"Bakit sinabi ko bang mag di date tayo?! Watdafak men! Wag kang assuming!" Sabay batok niya ng malakas sakin.




"Aray ko!" Reklamo ko.




"Oyy wala ba talaga kayong ka date?" Tanong ni Niko.




"Ano sa tingin mo? Kung mero edi sana kasama na namin ngayon." Sagot ko.




"Ang dami kayang nagkakagusto sa inyo sa school, pero ni isa wapake kayong dalawa." -Ara




"Gusto ko yung mahinhin."




"Naks naman Sander, edi yung kambal ni Paulo na si Paula. Mahinhin yun diba?" Sabi ko.




"Hoy gago wag mo idadamay kapatid ko dito. Ang gusto nun mala-"




"Kayden?" Nakangisi kong sabi.



"Pano mo alam?" Nagtatakang tanong ni Paulo.




"Nung party kila Kayden eh nakausap ko siya."





"Baka hinokage mo yung kambal ko bro ah?"




"Wuy gago hindi!"




"Ayiiiee gusto ka raw ni Paula!" Pang aasar ni Cate kay Kayden.



"Ayiiee gusto kita!" Sabay durot ni Kayden sa tagiliran ni Cate. Puta ang sweet kainis.




*phone rings*




Agad na sinagot ni Paulo yung phone niya. Matapos ang saglitang convo. niya sa kausap niya ay tumingin siya kay Sander ng matalim.




"Speaking, pupunta ngayon dito yung kambal ko kasi may ibibigay siya sakin."




"Daebak! Oh pano ba yan Sander, pagkakataon mo na!" Pang aasar ko.



Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now