91.

8.7K 193 130
                                    

91. Feelings 🙊


[Media: Bebe Tyson]

Sometimes you have to act like you don't care, even when you do.


CATE's POV

CATE's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sawakas nakarating na rin ako ng bahay. 😊 Pagkasilip ko ng phone ko battery low. Hindi ko naman to ginalaw magdamag pero nalowbat, may topak rin to eh.

Pagpasok ko ng bahay nabigla ako sa nakita ko.

Bat' sila andito?

"Mygad Cate! Buti dumating kana!" Sinalubong ako ni Ara at Sunny ng yakap.

"K-kanina pa ba kayong dalawa dito?" Tanong ko. Panigurado hinanap ako ng mga to.

"Mga 2 PM pa kami andito ni Sunny. Nag-aalala kami sayo, san ka nanggaling?" Halatang ngang nag-aalala sila. Hindi ko naman pwedeng sabihing kasama ko si KD, baka mabibigla sila.

"N-namasyal lang akong mag-isa." Tama ba tong palusot ko? Parang ang shunga naman. Eeh, wala akong maisip kaya yan nalang. Paninidigan ko na.

"San naman? Bat di ka natulog dito sa bahay niyo? Buti nga wala sila Tito't Tita nung dumating kami eh." Eto na yun, hotseat na this.

"S-sa Bunhongsaek Garden, nag check in ako sa may hotel dun. Gusto ko lang mapag-isa kaya hindi na ako nakapag paalam kila Mama." Sana naman maniwala sila. Hindi ko feel tong palusot ko, parang halatadong nagsisinungaling ako.

"May problema kaba? Ayaw mo na ba kaming kasama?" Malungkot na tanong ni Sunny.

"Hala hindi ah.. ano kasi, w-wala naman masyadong gagawin ngayong araw na to sa mga subjects ko." Kelan ba ako makakatakas sa dalawang to, huhu. Sana change topic na.

"Ikaw ha! Pinapabayaan mo na pag-aaral mo. Baka mamaya mabalitaan naming nag aadik kana jan." Natatawang sambit ni Ara. Hay sawakas, unti unti ng nalilihis ang usapan. 😧

"Loko kayo! Hindi ah, haha!" Hindi ko nga pinangarap na maging adik eh. 😅

"Teka tawagan ko lang si Tyson, ipapaalam kong nandito kana." Sabi ni Sunny.

"Teka, Wag niyong sabihing...? "

"Oo kanina ka pa hinahanap nung apat na lalake. Nalibot na nga yata nila buong lugar dito satin kakahanap sayo eh. Tsaka hindi kami pumasok para lang sayo Cate, ganyan ka kaimportante."

"Hala! Dinga?!" Di makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga, ikaw kasi kung san san ka nagpupupunta. Pwede namang itext mo kami eh. Tsaka alam mo naman si Tyson, hahanapin ka talaga nun." Sabi ni Ara. Oo nga yun ang mali ko, hindi ko man lang sila tinext.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon