Chapter 114

2.9K 93 52
                                    

#UNEDITED

"Di man sila perpektong kaibigan pero perpekto naman ang araw mo pag kasama mo sila."

Sander's POV

"WHAT'S THE MEANING OF THIS?!"

Gulat kaming napatingin sa may pinto. Nanlalaking matang nakatingin ngayon samin sina Ara at Ryan.

What the heck.

Napabalikwas agad ako at mabilis na tumayo. Pinagpag ko yung uniform ko tapos kinuha yung bag ko. Nakalimutan kong tulungan si Sunny kaya inabot ko kamay ko sakanya at pinatayo siya. Grabe, bigla kasing napapatong siya sakin pagka tulong ko sakanya. Alam ko namang mahuhulog siya nun pero siyempre hindi ko hahayaang bumagsak siya.

"Aba aba, may kababalaghan bang nangyayari dito?" naniningkit matang tanong ni Ara habang papalapit samin.

"Nung dumating ka pakiramdam ko nagkaroon ng kababalaghan." pagbibiro ni Sunny. "Tinulungan lang ako ni Sander, hindi ko naman inaasahan na babagsak ako." dagdag pa nito.

"Tetee be?" parang namuti lahat ng mata ni Ara pagkasabi nun. Natakot tuloy ako, haha!

"Kung ayaw mong maniwala, edi sige!" inirapan niya si Ara tapos biglang *PRRRTTT* Pahabol na utot ni Sunny. Grabe yown men! Parang bomba amputa.

"Yuck!!!!" sabay na sigaw nina Ryan at Ara. Napatakip naman ako sa ilong ko. Ang baho.

"Sunny ano ba! Baka maturn off sayo si ano." nakita ko kung pano ako nginuso ni Ryan kaya pinandilatan ko agad siya nung nagtugma yung tingin namin.

"Tama na nga yan. Tara na sa labas." sinipa sipa ni Ryan yung mga upuan tapos lumabas na ng room. Inayos ko naman yung mga natumbang upuan baka mapagalitan kami e. Baliw talaga yung Ryan na yun.

Pagkalabas namin ng room eh tamang tama at dismiss na rin ng class sa kabila kaya naabutan namin si Cate sa room niya na papalabas.

"Waaaah Cate!!" sinalubong siya nina Ara at Sunny ng yakap. Akala mo naman kung ngayon lang nagkita kita ang tatlo. Mga babae nga naman oo.

Napatingin naman ako kay Ryan na nakatingin lang sa malayo. Mukhang malalim ang iniisip ng gago ah, matanong nga.

"Uy, problema mo?"

Tinignan niya ako ng wala man lang ka expe expression yung mukha niya.

"Problema ko? Ang laki nga e."

"Ha? Ano ba yang malaking problema na yan at kanina kapa nananahimik." umihi lang kanina tapos ganyan na asta niya.

"Problema ko 'tong kagwapuhan ko. How to be you ba Sander? Kahit ganyang mukha lang sakin okay na ako. Hindi kagwapuhan pero pwede ng pagtyagaan." sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Akala ko kung ano na yang malaking problema na yan. Atsaka bat mo minamaliit tong kagwapuhang meron ako ha? Tsk!"

"Pan-"

"Oh san tayo ngayon?" singit ni Ara. "Mukhang nagtatalo ang dalawang unggoy huh."

"Nagsalita ang reyna ng mga unggoy." natawang sambit ni Ryan.

"Che!" bulyaw ni Ara sakanya.

"Hay nako, tara na nga kila Tyson." sabi ko sa dalawa. Nag aaway sila eh parahas naman silang unggoy, pfft.

Kakabasa ko lang ng text ni Tyson, andun sila ni Kayden ngayon sa silong ng paborito naming puno ng accasia malapit sa field.

Pagkasabi ko nun naglakad na kaming lima at pumunta dun. Pagkarating namin naupo agad kami. Sarap ng hangin. Nakakamiss tumambay dito. Sa mga oras na to pinapanood ko lang silang anim na nag kekwentuhan. Napangiti ako sa di ko malamang dahilan.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon