CHAPTER 118

4.9K 136 227
                                    

CHAPTER 118

"There’s nothing more valuable in life than having friends who always stand at your side, no matter what happens."


TYSON's POV

6:30 am, nakaprepare na lahat ng dadalhin namin sa beach. Andito kami ngayong apat na lalake sa bahay para di na hassle mamaya sunduin ang isa't isa. Gagamitin namin yung van nila Sander para kasya kaming lahat.


"Yung mga pamalit niyong brief baka maiwan niyo."

"Pahiramin mo ako ng brief mo Kayden, tutal same size lang naman tayo." Sambit ni Ryan.

"Sure ka same size tayo? Baka naman." Sabay ngisi ni Kayden.

"Oo naman! Baka nga mas malaki yung akin e." Pagmamayabang ni Ryan.

"Away kayo ng away, di hamak naman na mas malaki yung size nung akin!" Singit ni Sander na kanina pa naglalaro sa phone niya.

"Sshhhh.. wag kang sumisingit sa usapan namin. Usapang palakihan to, yung sayo totoy palang e." Pang asar ni Ryan. Natatawa nalang ako dito ng patago. Inaayos ko ngayon yung sandwich na kakainin namin mamaya sa byahe. Gutumin pa naman 'tong mga kasama ko.


Mga 7:10 am nung umalis na kami sa bahay. Si Kayden yung taga drive, tapos si Sander naman yung nasa driver seat at taga turo ng direksyon tutal siya naman nakakaalam kung saan ang daan papunta sa Malaswa Beach. Oo, yun talaga name ng beach na pupuntaham namin. Funny Right? Kaka open lang ng beach last month, daming dumayo kasi white sand tapos malinis pa. Yun nga lang iilan pa lang mga cottage.

Ang una naming sinundo si Sunny, tutal siya mas malapit kesa dun sa dalawa. Tapos sumunod naming sinundo sina Ara at Cate. Si Aisha nga pala hindi makakasama kasi nilalagnat daw.

So while we're on our way to our destination, daldal ng daldal 'tong si Ryan. Kwento ng kwento tungkol dun sa crush niyang Prof.


"Shhshh Tumahimik kana Ry, natutulog ako." Suway ni Ara sakanya na halatang antok na antok pa rin.

"Edi wag kang makinig."

"Niloloko mo ba ako? Boses mo naririnig ko everytime pipikit ako."

"Oh." inihagis sakanya ni Ryan yung earphone tas ipod niya. "Makinig ka nalang jan, madami akong new song."

"Thanks." Labag sa loob na sambit ni Ara.

"Ilang oras ba byahe sa pupuntahan natin?" Tanong ng katabi kong si Cate.

"Tatlo't kalahating oras." Tugon ni Sander.

"Malayo pa pala, tulog muna ako." Sabay pikit niya. Nagsitulugan na sila. Pwera lang si Sunny na nag m-make up.

"Paki off nalang yung aircon, buksan nalang natin bintana para fresh air." Sabi ko. Buti naman at inoff agad ni Kayden tapos dali dali naming binuksan ni Ryan yung bintana. Oohh, sarap ng hangin.. lasang ako. Joke.

"Naalala ko nanaman nung huling beach natin. Ang saya nung araw na yun, diba." Pag umpisa ni Kayden ng topic.

"San ba tayo nat beach nun? Sa Tagaytay ba? Feeling ko yun yung pinakauna't huling beach natin. Kasi simula nung naaksidente si Tyson, dina tayo nag beach. Puro pool nalang, diba." Sambit ni Sander. Naalala ko, oo nga pala.. sa Tagaytay pala yung huling beach namin. Dun na rin nagsimula lahat ng sakit ko, hehe.

"Si Ryan parang tanga nun, kung anu ano kinukuhang bunga ng punong kahoy." Natawang sabi ko.

"Eh kinakain naman talaga yung mga nakukuha ko. Inakyat ko pa talaga yun kasi alam kong masarap." Unggoy talaga.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon