104.

5K 134 65
                                    

104. Never Trust the Silent Ones.


CATE's POV

Naupo ako sa kama niya kasabay ng pagtakip ko sa mukha ko gamit ang dalawang palad ko. Gusto kong umiyak pero wala akong mailabas.

"Cate.." hinawakan niya yung balikat ko pero agad ko rin naman itong inalis.

Naiinis ako sa sarili ko, sobra.

"Cate." Bigla ulit niya akong hinalikan. Itutulak ko na sana siya nang biglang narinig namin ang malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto niya.

"Bruh asan si--"

Napatigil kami bigla at dahan dahan na napatingin sa may pinto. Bumungad samin si ... Kayden. Nakatingin siya ngayon samin at kitang kita sa exression ng mukha niya yung gulat.

Nataranta ako at dito na ako naglakas loob na itulak si Tyson. Tumayo ako at agad na lumapit kay KD. Hahawakan ko sana yung kamay niya kaso bigla siyang umatras.

"M-mahal.." nanginginig ako ngayong nasa harapan ko na siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko maya maya ay iiyak na ako.

Ano ngayon sasabihin ko? 😢

"E-eto pala ginagawa niyo?" Nginisihan niya kaming dalawa ni Tyson. Bigla akong napalunok. Napansin kong namumula ang mga mata niya.

Leche.. ano ba tong pinasok ko? Ang tanga mo Cate! >,<

"K-KD h-hindi ganun sa iniisi--" naputol yung sasabihin ko nung tinalikuran niya kami at saka siya naglakad paalis.

Agad ko siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa may sasakyan niya. Nanginginig ako, hindi ako makapagsalita. Parang gusto ko lang murahin yung sarili ko. Ang tanga tanga ko!

"KD.. mahal..," bigla niya akong hinarap. Walang expression yung mukha niya.. parang ibang KD tong nasa harapan ko.

"Ano?" Matigas niyang tanong.

"G-galit kaba?" Ano bang klaseng tanong yan Cate? Malamang galit siya sayo. Tanga mo kasi eh.

"HINDI." A-at baket? Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. "Sa tingin mo hindi ako magagalit kapag nakita ko kayong dalawa ng kapatid ko na asa isang kwarto tapos naghahalikan?" Hinawi niya yung buhok ko pagilid sa tenga ko. "Siguro habang wala ako, MAY IBA PA KAYONG GINAGAWA." Hinagkan niya yung kabilang pisngi ko. "Masarap ba ang kapatid ko?" Nanlaki mata ko sa sinabi niya. Bigla siyang lumayo sakin at tinignan ako sa mga mata ko. Para bang pinagmamasdan niya yung kabuuan ng mukha ko. Habang walang nagsasalita ay ako na mismo ang naglakas loob na basagin ang katahimikan.

"Mahal, walang nangyar--"

"Sa tingin mo Cate, hindi ba ako magagalit pag nakita ko kayong naghahalikan?!" Parang nayanig yung mundo ko sa lakas ng sigaw niyang yun. Napayuko ako sa hiya pero agad rin akong tumingin sakanya.

"Mahal.."

"Please stop calling me mahal." Sinamaan niya ako ng tingin, yung tingin na puno ng galit. "ANG LANDI MO PALA CATE EH! TANGINA, SINIRA MO TIWALA KO SAYO." para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Bigla nalang akong naiyak.

Hindi ko lubos maisip na sasabihan ako ni KD ng ganung salita. Tanggap ko pa pag ibang tao. Pero siya? Tagos na tagos e.

Nakatulala lang ako habang bumubuhos yung mga luha sa mata ko. Hindi ko namalayang wala na pala siya sa harapan ko.

Umalis na siya.

Iniwan na niya ako.

Hindi lang talaga ako makapagsalita kanina kahit ang dami kong gustong sabihin sakanya. Gusto kong sabihin na wala talagang nangyari samin ni Tyson. Oo, inaamin kong naghalikan kami.. pero hanggang dun lang yun. Kahit papaano nirerespeto pa rin ako ni Tyson.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now