Chapter 14 [Ngiti]

17.5K 400 26
                                    

Pagkalabas ko ng cr nagulat ako kasi asa labas siya na nakasandal sa pader tapos pinapaikot niya yung pantalon niya sa hintuturo niya, ang latest pa niya naka boxer shorts lang siya o__0



"Ready kana CL?" I heard him say tapos lumapit siya saakin. Hindi ako makagalaw dito sa pwesto ko. Parang na glue ako sa kinatatayuan ko. Gusto ko siyang suntukin sa braso niya ngayon kasi mas lalo pa siyang lumalapit... ayan na, palapit na.. "Wahahahahahaha!" Olraaayt pinagtawanan po ako ni KD.


"Ano nakakatawa ha?" Inis kong tanong.



"Pinagpapawisan ka yata?" Sambit niya tapos pinunasan niya yung noo ko gamit yung pantalon niya.



"Arghh! Kainis ka! Sa dami ng ipupunas pantalon pa!" Iritang sabi ko tapos tinulak ko siya para makadaan ako. Ayan nanaman siya at naririnig kong tumatawa.


"Arte mo CL! Anong gusto mong ipunas ko sayo? yung boxer shorts ko?" Bigla akong napatingin sakanya tapos binigyan ko siya ng 'ewan ko sayo' look.",Ang choosy naman ni CL! Sige yung brief ko nalang, teka huhubarin ko, wa-"



"KAAAAAYDEEEENN!!" Sigaw ko na halos mabulabog pati kabilang bayan sa lakas ng sigaw ko. Nakita kong natahimik siya tapos napalunok ng ilang beses.

"Biro lang hehe!" Sabay napakamot siya sa batok niya. Matatawa ba nanaman ako ngayon? Mukha kasi siyang batang napagalitan. Ang cute haha!


"Ang bastos mo kasi eh..pfftt." di ko na mapigilan kaya natawa ako. Para siyang naiiyak, how cute!


"Anong nakakatawa uy?" Lumapit siya sakin tapos kinalabit ako ng ilang beses, " Wuy CL, what's funny?" Pag uulit niya.


"Wala naman. May naalala lang." Patay malisyang sagot ko tapos nagkibit balikat nalang siya at lumabas ng kwarto.


Lumabas ako ng kwarto at nakita ko yung oras sa malaking orasan na nakadikit sa dingding. It's already 6 pm na. Hinanap ko si KD sa sala pero wala siya. Pumunta ako ng kusina tapos nakita ko siyang naghihiwa ng bawang at sibuyas.


"Kelangan mo ng tulong?" Tanong ko tapos lumapit ako sakanya.


"Oo, pakipunas yung pawis ko." Tugon niya tapos inabot niya saakin yung maliit ng face towel niya. Kukunin ko ba? Pag kinuha ko ibig sabihin payag akong punasan yung pawis niya.. bakit ba kasi di niya iswitch yung electric fan eh. "Uy, kunin mo na." Narinig kong sabi niya. Tutal siya naman magluluto kaya kunin ko nalang..


"S-saan banda?" Utal kong tanong tapos tumigil siya sa paghihiwa ng sibuyas at tumingin saakin tsaka nilapit niya mukha niya saakin.


"Ayan oh tumatagaktak na pawis ko sa noo." Tapos binigyan niya ako ng malapad na ngiti. Yung puso ko nanaman, lumulundag.


"S-sige.." tae nauutal nanaman ako. Asar kasi tong KD na to eh, bakit kasi mala anghel ang mukha, nakakakilabot tuloy.


Pinunasan ko naman na yung pawis niya sa noo niya. Sana di niya napansing nanginginig ako.


"May cellphone ba jan sa kili kili mo?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa hinihiwa niya.


"Ha?" Naguguluhang tanong ko. Bakit naman ako maglalagay ng cellphone sa kili kili ko? Ano ako baliw? Haha!


"Nag va'vibrate kasi kamay mo eh."


Nung pagkasabi niya nun namula buong mukha ko. Ibig sabihin napansin niya akong nanginginig habang pinupunasan siya? Wooh! Makahanap nga ng palusot.


Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now