Chapter 4 [Confirmed: Manyak]

21.2K 694 22
                                    

Nakatulala lang ako ngayon dito sa loob ng room. Iniisip ko pa rin yung nangyari kagabi. Pagkamulat ko sa mata ko dinampi niya saglit yung labi niya tsaka ano.. tsaka.. pota.. nag ano siya... Nag ano.. yung gawain ng mga lalake para makaraos jusq. -,-

Bakit niya ginawa yun? Hinayaan ko nalang siya kagabi kasi pumikit na ako at natulog. Paggising ko wala na siya, nag iwan siya ng note sa ref. Na maaga yung class niya.Sa dulo nung sulat may 'PS. Sorry kagabi' Tapos sad face.

Gusto kong iconfirm kung tama ba yung iniisip ko.. pero maikling panahon muna bago ko mapatunayan na manyak siya.

Nahiga ako sa may armchair ko at ilang saglit lang ay..

"KEEEEEYT!"

Parang ambulansya yung boses niya. Halos malaglag yung ngala ngala nung sumigaw at alam kong si Ara yon kaya nilingon ko siya.


"Cateee! May sakit ka ba?" Lumapit siya saakin tapos idinampi niya yung kamay niya sa mukha ko, leeg ko, braso ko at batok ko. Ang OA lang eh haha.


"Wala ah,bakit mo naman nasabi?" Tanong ko tapos naupo siya sa tabi ko.

"Namumula ka kaya!" Hahampasin na sana niya ako ng libro kaso naiwasan ko.


"Porke namumula may sakit na?" Hindi ba pwedeng nagbablush muna? Isip isip ko.

"Mukha kang kamatis na bulok eh." Hirit niya tapos hinampas ko siya sa may braso niya.

"Tae naman ang sakit ah!" Sabay hampas niya rin sakin.

"Hoy ang sakit nun!" Reklamo ko tapos naghampasan na kaming dalawa hanggang sa dumating na yung instructor namin sa Rizal, si Sir Bobo. Oo,Sir Bobo.. yan ang last name nila. Natawa nga kami nung una namin siyang nakilala.


"Tignan mo si Sir Bobo, gagong gupit." Natatawang bulong ni Ara sakin. Hindi ko naman na siya pinansin kasi naka focus ako sa pag didiscuss ni Sir.

A few hours later.

PE.

Andito kami sa GYM at nagpalit na kami ng PE uniform namin. Pagdating nga namin kanina nagbubulungan yung mga babae kasi PE din nila Kayden, asa may kabila sila tapos nagdidiscuss yung PE instructor nila.

"Tignan mo si Kayden, ang hot niya pag naka PE, balkat yung abs niya." Bulong saakin ni Ara. Tumingin naman ako sa direksyon ni Kayden tapos nakita ko siyang nag cecellphone kasama yung mga kaklase niyang lalake. Parang tutok na tutok sila sa pinaanood nila,yung iba pinapawisan pa.

"Oo." Tipid kong sagot tapos kinurot ako ni Ara. Ang sakit nun ah,parang nabalatan yung balat ko.

"Hay nako,kung makakasama ko lang siya sa isang bahay masaya na ako.. " tumingin ako kay Ara na nag d'daydreaming.

Ako nga dito kasama siya sa iisang bubong tapos may nangyari pang kababalaghan kagabi, kung iba gusto yung ginagawa niya kasi sa itsura palang niya, pero kung ako naman... uhmm... oo na nga. Ang gwapo kasi niya kagabi, pinapawisan kahit katatapos magshower.

Bumalik ako sa realidad tapos pinababa kami para mag warm up for volleyball. Bumaba din yung section nila Kayden. Ilang saglit pa ay nagtama yung mga mata namin tapos nginitian niya ako bigla. Lumundag nanaman tong malandi kong puso.

Nagfocus nalang ako sa pag wa warm up tapos after nun ay naupo ako sa may tabi. Naglalaro kasi si Ara ng volleyball eh.

Pagkatapos ng PE nagpunta kami sa canteen. Tamang tama naman ay nandun ang grupo nila Kayden na masayang nagkekwentuhan. Nakita kong napatigil siya sa pagtawa tapos napunta yung tingin niya saakin. Naglalakad kasi ako papunta sa bakanteng upuan.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now