106.

6.4K 134 47
                                    


"Gusto kita."

*BLAG*

"Aray." Napahawak ako sa pwet at likuran ko kasabay ng pagdilat ko ng mata ko. Langya, nahulog ako mula sa kama ko. Taenang panaginip yun, akala ko totoo na eh. Hayssss..

"Brent, anjan kana ba?" Boses ni Papa yun.

"Opo pa, andito na po ako."

"Kumain kana ba ng dinner?"

"Hindi pa po." Agad akong tumayo para pagbuksan ng pinto si Papa. "Kumain na po kayo?" Bungad ko sakanya.

"Tapos na kami ng mama mo. Kumain kana at saluhan mo yung bisita mo sa baba."

"Bisita?" Sino naman kayang pupunta ng gantong oras ng gabi.

"Oo andun siya sa baba. Sige mauna na ako sa kwarto namin ng mama mo at gagawa pa kami ng another Brent, haha!" Loko talaga si Papa, gagawa pala sila ng baby. 😅

"Papa naman oh, haha! Basta kasing cute ko ha?"

"Aba syempre naman. Sige na bumaba kana."

"Opo pa."

Bumaba na nga ako at dumeretso ng kusina. Nung makita ko kung sino yung sinasabi ni Papa na bisita ko eh halos kumuha ako ng dustpan para ipukpok sa ulo niya.

"Sarap ng kain mo unggoy ah!" Lumapit ako sakanya para tabihan siya. "Bat ka nandito ha?"

Lumagok muna siya ng tubig bago nagsalita. "Umalis sila Mama at Papa eh. Hindi nila iniwan yung susi sa bahay, tinext nila ako na makitulog muna sainyo. Buti nalang mabait ang papa mo at pumayag siya."

"Si Papa pumayag, ang tanong.. pumayag ba ako?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Grabe ka naman bro! Parang di tayo magpinsan ah."

"Ayaw kitang katabi!"

"Sa tingin mo gusto kitang katabi? Ew."

"Edi dun ka sa labas ng gate matulog!"

"Haha joke lang bro, ikaw talaga! Gusto kita katabi noh. May choice paba ako?"

"Anong sinabi mo?"

"Wala, sinabi ko ilabyu."

"Yuck."

"Tara na saluhan mo na akong kumain. Sarap ng luto ng mama mo, dabest!"

"Wala namang hindi masarap sayo eh." Ibahin niyo ang tiyan ni Ryan. Pati yata tae di niya aatrasan makakain lang, pft.

Sinaluhan ko na rin siyang kumain. Habang kumakain kami eh biglang naisip ko yung tungkol kila Niko at Sunny. Sasabihin ko ba o wag nalang? Kung di ko man sasabihin, tiyak malalaman at malalaman rin nila. Mas mabuti na yatang sabihin ko, ganun na rin yun e.

"Ryan."

"Bakit?"

"Si Nik-"

"Oo nga aalis na siya bukas." Gulat akong napatingin sakanya.

"Pano mo alam?!" Langya alam niya na pala.

"Kausap ko kanina si Niko sa phone, tinawagan niya ako."

"Nagalit kaba?"

"Bat naman ako magagalit?"

"Syempre iiwan niya si Sunny. Kawawa naman yung tropa natin."

"Anjan ka naman eh, kaya mo na yan."

"Whuutt?! Bat sakin niyo inaasa si Sunny? Tsk!" Si Sunny na nga mismo nagsabi dati na walang papantay sa Niko niya. Haaaays.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon