46.

13.4K 301 45
                                    


CATE's POV


Pagkasabi niya nung mga salitang yun ay nagsigawan ang buong estudyante ng 'ayyyiieee'.


Ako naman dito ay tulala.

"..."

"Cate." Sabay siko sakin nina Ara at Sunny kaya bigla akong natauhan.

Napatingin ako kay Tyson na asa harapan ko at nakangiti lang sakin. Mukhang nag aantay siya ng sasabihin ko, pero anong sasabihin ko? Talaga bang gusto niya ako? O ginugoodtime lang niya ako? Pero kung ginugoodtime niya ako bakit sa maraming tao pa? Hindi kaya seryoso talaga siya?

Cate.. I Like You.

Cate.. I Like You.

Cate.. I Like You.

Paulit ulit nalang nagreretain sa utak ko yung mga sinabi niya. Naguguluhan ako.

Naisipan kong tumayo tapos tinanggap yung rose na kanina niya pa inaabot. Ayoko siyang mapahiya. Mas lalong lumakas yung sigawan. Yung iba naman naririnig kong sumisigaw ng.. "WALANG FOREVER!!"

Kinuha ko yung microphone na hawak niya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.,

"Tyson, T-thank you."

Sorry. Hindi ko naman pepwedeng sabihing i like you too kasi hindi kita gusto. Sana patawarin mo ako. 😔

Nagulat ako nung tumayo sina Sunny at Ara tapos hinatak nila ako papuntang backstage. Sumunod rin samin si Tyson tapos nakita ko sina Sander at Ryan na nakaupo na tila ba malalim ang iniisip.

"Wuy Tyson, totoo ba yung sinabi mo?" Tanong ni Ara sakanya.

"Gusto mo pala si Cate ah, ayiiee." Kinikilig na sabi ni Sunny.

Bigla namang pumagitna si Sander sakanila. "Hayaan niyong sila muna ang mag usap." Sabi nito tapos tinikom nila Ara at Sunny yung bibig nila.

Nagulat ako nung hilain ako ni Tyson papuntang.. ewan? Tumigil kami sa may garden ng school na kung saan walang katao tao. Hindi ko alam pero ang daming tumatakbong katanungan ngayon sa isipan ko.

Katapat ko siya ngayon at pareho kaming nakayuko.

Totoo ba lahat ng nangyayari?

"C-cate. Sorry sa nasabi ko kanina."

Bigla akong tumingin sa mga mata niya. Ibig sabihin ba niyan hindi totoo yung sinabi niya kanina? Kung ganun edi masaya. Kasi hanggang kaibigan lang talaga siya para sakin eh.


"Tyson okay lang, atleast joke lang yun." Napahawak ako sa dibdib ko, "Wooh! Kala ko naman kung totoo na-"

"Totoo yun."

O________O


Hinawakan niya yung kamay ko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, hindi dahil sa kilig, kundi dahil kinakabahan ako. 😓

"Kelan pa?" Tanong ko.

"Matagal na Cate." Hindi ko alam kung bakit hindi siya makatingin sakin sa mga oras na to.

Matagal na? 😮 Ibig sabihin yung mga pinapakita niyang kasweetan totoo lahat ng yun? Hindi.. hindi pwede.

"Tyson naman eh! diba tropa tayo? Ano ba yang pinagsasasabi mo Haha! Nakakkatawa ka talaga! anlakas ng trip mo ngayon ah! Nakakatakot, pang halloween talaga!" Hinampas ko siya sa braso niya habang tumatawa.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now