Chapter 110

4.6K 130 53
                                    

110:SAMA-SAMA II
[UNEDITED]

[SANDER's POV]

"Akin siya."

Parang nanigas ako bigla sa sinabi ko. Ano bang nasa isip ko at bigla ko nalang nasabi yan? Taena.. nahihilo na kasi ako kaya kung anu-ano nalang lumalabas dito sa bibig ko. Kelangan kong hanapan ng magandang palusot kundi magtatanong sila ng kung anu-ano.

"Dinga bro?!" Tinapik tapik ni Ryan ng pagkalakas lakas yung balikat ko. Buti nalang manhid na masyado katawan ko dahil sa kalasingan kaya di na ako nasasaktan sa pinaggagagawa niya.

"Napaamin din natin ang baby Sander, haha!" Tumatawang sambit ni Tyson.

Eto na nga ba sinasabi ko eh, ang dali nilang maniwala.

"Ligawan mo na, bagal mo eh." Ani ni Kayden. Bat ko liligawan si Sunny? Baka mapahiya pa ako pag nangyari yun eh. Isa pa hindi niya ako gusto.

"Magtanan na kayo dali!" Gag0ng Skyler talaga to. Tanan agad?

"Magsitigil nga kayo." Kung pwede lang sipain ko sila isa-isa eh. "Biro lang yun. Tinignan ko lang magiging reaksyon niyo. Hahaha!" Tumawa ako ng wagas. Pagkatapos kong tumawa eh napatingin ako sa mukha nilang apat na wala man lang reaksyon.

"Weeehhh?!" Sabay sabay pa talaga sila. Hindi ba sila maniniwala? Obvious naman. 😒 Pano ba paniwalain tong mga kumag kong tropa na to.

"Sige libre ko kayo bukas sa pinakamasarap na ramyeon house dito para masabing totoo sinasabi ko." Eish, wala na nga akong pera tapos ito pa naisip ko? Bahala na basta maniwala lang sila.

"Game!" Masayang sabi ni Ryan. Basta pagkain game siya, unggoy talaga.

"Sige ba." Naku Tyson, ikaw dapat manlilibre eh.

"Okay." Sabi naman ni Kayden.

"Basta bukas." Sabat naman ni Skyler. Sana nga lang at matagal pagpapractice namin bukas ng sayaw para di ko sila malibre, hehe.

Lumalim na nga ang gabi. Para kaming timang nina Skyler at Ryan na sumasayaw sa dance floor. Basta talaga pag ganto na kami kahilo di na namin alam ginagawa namin. Yung dalawang magkapatid naman andun sa table, mukhang nag uusap. Yung tatlong babae ayun nasa loob pa rin ng karaoke room at kumakanta. Baka pag narinig ko boses ni Sunny eh lumabas lahat ng mga ugat sa katawan ko. Ampanget ng boses eh, wahahaha *Ubo*

"Hoy Sander okay ka lang?" Tinapik tapik ni Skyler yung likuran ko para mahimasmasan ako mula sa pagkakaubo ko. Pota, sa isip lang ako tumatawa tapos bigla akong nasamid sa laway ko. Bilis naman ng karma.

"Oo okay lang ako. Cute pa rin naman ako, haha!"

"Anong nangyayari?" Tanong ni Ryan. Napatingin ako sa zipper niya at dun na ako natawa.

"Wahahahaha!" Napaupo na ako kakatawa habang nakatingin pa rin sa zipper niyang bukas.

"Gag0 okay ka lang?" Nag aalala na siya pero dun sa zipper niya hindi man lang niya makita HAHA.

"Zipper mo bukas hahaha!" Alam ko namang di nakakatawa pero bumababaw kaligayahan ko pag gantong hilo na ako.

"Psh, tara na nga dun kila Kayden." Hinigit ako ng dalawa tsaka kami nagpunta dun sa table namin. Andito na pala sila Sunny.

"Okay lang yan?" Nakita kong tinuro ako ni Sunny. Medyo naniningkit na mga mata ko kaya ganun nalang kalabo paningin ko. Makaidlip na nga lang muna dto sa upuan. ZzzZz 😪

SUNNY's POV

Pagkatapos ng last song ay lumabas na kami nila Cate at Ara sa karaoke room. Nag juice lang kami dahil sabi ng mga boys wag raw kaming iinom. Next time nalang pag nanalo raw sila Ryan para sa celebration, kahit daw malasing lasing na kaming mga babae.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now