Chapter 15 [Romance]

18.5K 469 12
                                    

.

.

.

Andito ako ngayon sa sala at inaantay si KD. Tagal niya ngang magbihis eh. Pero okay lang kasi di naman kami naghahabol ng oras dahil walang klase ngayon.

Narinig ko namang bumukas yung pinto tapos .."Ops, sorry." Sabi niya sabay nag peace sign sakin.

"Tagal mo KD." Reklamo ko.

"Sorry nga diba?" Sabay akbay niya saakin. Kinikilig nanaman ako.

Nahtungo kami sa kotse niya at as usual, pinagbuksan niya ako ng pinto sa harap at pinaupo.Umupo naman na din siya sa driver seat tapos inayos niya saglit yung hoody jacket niya na color grey. Sinaksak niya din yung earphone sa magkabilang tenga niya at pinaandar na yung engine. Magsasalita pa ba ako? Syempre hindi na, wala naman siyang maririnig kasi rinig ko na max volume yung pinapakinggan niya.

Once I was seven years old, my mama told me,
Go make yourself some friends or you'll be lonely.
Once I was seven years old..🎶🎵

Sinasadya niya bang kumanta ng malakas at iparinig saakin? O di niya lang marinig sarili niya kasi ang ingay nung pinapakinggan niya? Kinakanta niya yung [7 years by Lucas Graham] ang ganda talaga ng boses niya.

Pagkadating namin ng school medyo dumistansya nanaman ako sakanya. Pano ba naman kasi kakainin ako sa tingin nung mga babaeng makakasalubong namin. Tapos ito namang KD na to panay ang ngiti sa mga makakasalubong namin, mapa gay man o mas matanda sakanyang babae, hanep.

"Wuy bat ka lumalayo?" May pagtataka sa tonong tanong niya. Hala mukhang napansin niya.

"Wala lang." Simpleng sagot ko habang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Hatid kita sa room mo." Sabi niya tapos inakbayan niya ako. Shems ang bango niya.

"UY WAG NA." Matigas kong sabi tapos inalis ko pagkakaakbay niya saakin. Pakipot pa raw ako kunwari hehe.

"Tch, arte mo eh ako na nga maghahatid." Sabay gulo niya sa buhok ko.

"Eeeh! Bye na!" Kumaripas na ako ng takbo. Kala ko hahabulin niya ako yun pala hindi, kainis talaga.

Pagkarating ko ng room nakita ko sila Sunny, Ara, Tyson, Ryan at Sander na nag uusap. Umupo ako sa bakanteng upuan na nireserve nila para saakin tapos pinagtinginan nila ako na parang kriminal.

"Oh ano?" Sabay napaatras ako. Nakakatakot mga titig nila.

"Bat ngayon ka lang ha?!" Galit sa tonong tanong ni Ryan.

"Ha? May usapan ba na maaga?" Pagataray ko tapos sinipa niya upuan ko ng medyo malakas. Huhu ano bang ginawa ko?!

"Gagu ka Ryan! Wag mo ngang takutin si Cate." -Tyson

"Ginugudtime ka lang namen." -Ara

"Mga langya kayo!" Inis kong sabi tapos parang tangang niyakap ako nila Sunny at Ara.

"Nag uusap lang kami about sa gala mamaya. Sama ka?" Pagsisingit ni Sander.

"Saan ba?" Tanong ko.

"Mag babar tayo! Yuhoooo!" Excited na sabi ni Sunny tapos ako naman na excite rin. Diba nga ilang buwan na kaming di umiinom? Yay! Teka.. pano si KD?

"Kung nag aalala ka at walang kasama si Kayden, isama na natin." Sabat ni Ryan. Mind reader din ang isang to ah.

"Kyaaaaah!" Kinikilig na tong dalawang babae na to.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon