63.

9.4K 211 41
                                    


👞Ang Pagbabalik👞


CATE's POV

"Sandeeeeerrrr!!!!!"


Napatayo kami ni KD nung marinig ang malakas na sigaw na yun. Dali dali kaming lumabas tapos nakita namin si Sander na ..... ... ...

UMIIHI SA MAY PADER NILA NIKO. =_____=

Nagkatinginan kami ni KD tapos sabay na napasapo sa noo.

Kala ko naman kung ano na. Yung sigaw kasi ni Ara pang horror eh, kala mo naman kung may nangyari ng masama kay Sander.

"Naku Sander! May CR naman sila Niko ah?" Tumatawang sabi ko tapos lumapit ako kila Sunny na nakaupo dun sa may gilid.

Nung makaraos na si Sander ay lumapit na siya samin. "ihing ihi na talaga ako eh tapos sabi nila Sunny wag pa raw akong papasok kasi nag uusap pa kayong dalawa, sa ayun, sa pader ko nalang inilabas." Kwento niya tapos nagtawanan kami.

"Ops ops, mapunta tayo sa nangyari kanina. Ano pareng Kayden, okay ka na ba?" Pag iiba ni Ryan ng usapan.

"Oo." Tipid na sagot ni KD.

"Oh ano Paulo, naniniwala ka ng totoo yung threat satin?" -Sander

"Oo na. Pero sino naman kayang hayup yung gagawa nun?"

"Isipin niyo nga kung meron ba tayong nakabangga nung mga araw na nagkakaroon tayo ng kasiyahan." Lahat kami napaisip sa sinabing yun ni Niko.

"Aha! Baka naman sila Bambi? Bryce? Rence?" Sambit ni Sunny.

"Wala dito si Bambi kaya imposible niyang magawa yun." Sabi ko.

"Hep hep! Wala nga siya dito, eh nandito naman yung kabiyak niyang si Bryce." Singit ni Ara.

"Baka nga si Bryce." Pag agree ni Sander.

"Hindi siya." Biglang sabat ni Ryan.

"And how do you say so?" Tinaasan siya ni Ara ng kilay.

"Sige sasabihin ko na, ahmm.. Siya kasi yung nagligtas sakin nung araw na muntik na akong mabangga."

"Owsss?!" Di makapaniwalang sabi namin.

"Oo nga."

"Imposibleng iligtas ka nun." Sabi ni Niko.

"Gago yung pinsan kong yun pero mabuti yun." Pagtanggol ni KD kay Bryce. Tama si KD, okay naman si Bryce, okay yung ugali niya pero ang di lang okay yung ginawa niya sakin.

"Eh sino naman gagawa satin nito?" Nagugulahan pa rin kami. 😧

"Hay naku, wag na natin masyadong isipin yan. Hinahanap na ako sa bahay oh, nagtext na sila Mama." Sabat ni Sunny.

"Jan lang naman bahay niyo ah kaya stay muna tayo dito." Sabi ko. Ayoko pang umuwi, gusto ko pang makipagkwentuhan eh hehe.

"Eh kung gusto niyo dun tayo sa bahay."

"Sige sigeee!" Excited naming sigaw na parang mga bata lang.

"Kaso andun si Lola."

"Ay wag na pala." -Ryan

"Oo nga dito nalang tayo." -Ara

Bigla kaming napaatras. Kung kanina excited kami sa pagpunta sa bahay nila, ngayon naman nadismaya kami nung malamang nandun yung lola ni Sunny. Pano ba naman kasi masungit yung lola niya. Siguro hindi ako makakatagal sa isang bahay na kasama yun. Daig pa kaming mga teenagers sa sobrang maldita. Ops, baka mapalakas ang sabi ko sa isip ko hehe.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon