Chapter 11 [Dont say Badwords]

18.1K 430 19
                                    

.

.

.

Di na ako nagpaalam kay KD at pumasok na ako ng maaga, tutal masarap naman ang tulog niya kaya hinayaan ko muna siya.

Andito ako ngayon sa gym kasama si Sander at Ryan. Wala pa kasi sila Sunny kaya kami lang nandito.

"Cate tara sama ka basketball tayo." Pagyayaya ni Sander.

"Sige ba!" Agad kong sagot tapos lumapit sakanya na may dalang bola. Medyo alam kong maglaro ng basketball kaya napa Oo agad ako.

"Sama kami!" Sabay sabay na sigaw nila Sunny, Ara at Tyson. Olraaayt! Nandito na nga sila.

Dahil anim kami, ang ginawa namin ay girls vs. Boys. Kada maaagaw ng boys yung bola sinasabunutan sila ni Sunny. Kawawa na nga si Sander eh, tinorture nila kasi panay ang hampas sakanya nila Sunny at Ara kasi raw madaya siya.

"Ayokoooo na!" Sigaw ni Sander.

Natawa kami kasi yung dating ayos na ayos na buhok niya na puno ng gatsby wax eh parang nadaanan na ng limang bagyo ngayon.

"Wala! Madaya ka!" Sigaw ni Sunny at Ara sakanya.




"Anong madaya don? Kayo ang madaya nanunulak kayo." Reklamo ni Sander. Naupo nalang kami kesa magbangayan sila jan.



"Uy time na, tara na guys!" Sigaw ni Ara habang nakatingin sa wrist watch niya.




Dali dali kaming lumabas ng gym. Hinatid kami ng mga boys sa classroom namin tapos umalis na rin sila. Naupo naman na kami ni Ara sa dating pwesto namin.



Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang malakas na pag siko niya saakin.


"Cate! Si Kayden oh." Pasigaw na bulong niya tapos tumingin naman ako sa may glass window ng room at nakita ko si KD na kasama mga kaklase niya at naglalakad. Nakapamulsa siya habang naglolollipop. Kaasar, anong klaseng nilalang yang KD na yan, bakit ang gwapo?! Teka nakalimutan ko, galit pala ako sakanya.




Nung lumampas na siya ng room kala ko wala na siya kaso nagulat ako nung bigla siyang sumilip sa room namin, nang mapunta yung tingin niya saakin ay tinaas niya yung lollipop niya at nginitian ako. Gagu ka KD! Nakakainlove. Bigla kong iniwas yung tingin ko sakanya, baka kasi mangitihan ko pa siya eh.




"Nginitihan kaba niya or ako?" Tanong sakin ni Ara.



"Baka ikaw." Tugon ko naman at nilabas yung phone ko para maglaro.



Matapos ang walang humpay na discussion ay break time na namin. Sa cafeteria kami kumain tapos tamang tama nandun si KD kasama mga kaklase niyang 'pa-cool raw.'



Sa kinamalas malas ay tabing table pa namin sila kasi yun nalang ang bakante. Nag order naman na si Ara tapos inaantay ko siya. Bigla nalang niya akong tinabihan tapos ako naman itong di makatingin sakanya.

"CL, about dun ba sa kagabi kaya ang cold mo sakin?"


Ang galing mo talaga KD! Haneeeep, galing makahula, pwede na pamalit sa trono ni Madam Awring!



"Uy CL." Sabay kalabit niya sakin.



"Nakakawalang gana kaya makitang may naglalandian sa harap ko." Gusto kong pasabugin bunganga ko sa mg oras na to, ano ba naman Caitlin, baka mahalata niya.



"Selos?" I heard him say tapos pinisil niya pisngi ko.



"Aray! Kapal mo." Sabay pitik ko sa noo niya.



Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon