Chapter 18 [Selos 2]

16.7K 384 12
                                    

.

.

.

*Boooooogggssshhhhh!*

Pagkagising ko asa clinic na ako, nakapalibot sila Sunny saakin na tila ba inaantay akong magising. Isang tanong lang ang tuamatakbo sa isipan ko sa mga oras na to,

anyare???

"Cate okay kana ba?"

"Mygash! Gising kana sawakas!"

"Masakit pa ba?"

"Kilala mo pa ba kami?"

"Bakit di ka nagsasalita Cate?"

"Wuyyy kilala mo pa kami?!!"

Hinawakan ni Ara yung magkabilang balikat ko at inalog alog ako.

"Anu ba yan para kayong tanga!" Sigaw ko. Tanungin ba naman ako kung kilala ko pa sila? Amnesia agad?

"Hay sawakas!" Sabay sabay nilang sabi tapos napabuntong hininga sila pare parehas.

"Ano bang nangyari?" Kunot noong tanong ko tapos lahat sila tumabi tapos nagbigay ng daan para kay..

Rence?

"Mag sorry ka." Matigas sa tonong utos ni Ryan sakanya. Ibig sabihin ba nito?..

"Cate, s-sorry." Sabay kamot niya sa batok niya. Tch, halatang di sincere.

"Ano bang ginawa mo ha?" Kalmado kong tanong.

"Natamaan kita ng bola kanina, nag vavolleyball kasi kami. Di ko sinasadya, sorry." Bigla siyang yumuko.

"Sus." Mahinang sabi ni Ryan na tila ba hindi pabor sa sinasabi ni Rence.

"Sige, okay na." Sabi ko. That means pinapatawad ko na siya.

[Ryan's POV]

"Okay."

Watda! Okay agad?! Hindi ba papahirapin ni Cate tong Rence na to? Ang dapat sa lalakeng to nilulumpo. Mukha naman kasing di sincere eh, paawa effect pa amputa!

"Talaga Cate? Thanks!"

Aba, ang saya saya pa ng unggoy na to ah. Kala niya ba makakatakas siya? Hindi!

"Hoy!" Maangas kong sabi sakanya. Tumingin naman siya saakin na parang natatae. Pota iniisip ko tuloy mukha akong toilet bowl.

"Baket?" Nagtatakang tanong niya. Mas natatae ako sa mukha niya, mukhang cubicle na hindi flinash ng ilang taon.

"Wala, alis kana!" Natatae na talaga ako eh. Kung hindi lang sana sumakit tiyan ko ngayon edi sana naflush ko pa mukha niya sa toilet bowl.

"Sige, byeee!" Kumaripas na siya ng takbo na akala mo nakatakas sa bilangguan, mukha kasing kriminal.

"Gagu yun ah!" -Tyson

"Hayaan niyo na." -Sunny

"Guys!" Di ko na talaga mapigilan eh. Baka kumbulsyunin pa ako pag di ko pa to nailabas.

"Oh bakit?" Sabay sabay nilang tanong.

"Bat pinapawisan ka yata ng sobra sobra?" Lagot, napaghahalata na ako ni Cate.

"Nakapatay naman aircon ah." -Ara

"A-ano.. l-labas lang a-ako." Napapalunok ako ng marami. Kailangan ko ng mailabas to.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now