51.

15.9K 414 120
                                    

CATE's POV

Flashback..

"BAT AKO GANTO? Do you want to know the truth?! the truth is . .

.

.

.

IM REALLY INLOVE WITH YOU CL!"




Me ------> O________O


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko ngayon. Kailangan ko ng hustisya.

Nananaginip ba ako? Kathang isip lang ba lahat ng nangyayari? Joke ba to? Ginugoodtime ba ako? Namamaligno na ba ako?

Totoo ba talagang inlove siya sakin?

Nakatulala pa rin ako ngayon. Hindi talaga ma sink in sa utak ko lahat. Parang sasabog tong dibdib ko.

..

Grabe. Ganito pala epekto pag inaalala mo yung nangyari na hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala kung totoo nga. Baka panaginip lang siguro yung nangyari kagabi? Pero hindi talaga eh.

"Huy Cate, diba?"

Nilingon ko si Ara tapos tumango tango ako, "A-ah.. oo hehe." Kahit di ko alam yung sinasabi niya eh oo lang ako ng oo dito.

"Ah so yun nga, blah blah blah-" -Ara

Kwentuhan nanaman sila. Nakatingin ako sakanila pero yung isip ko lutang. Napunta naman yung tingin ko sa isang bintana. Nanlaki mata ko nung makita si KD na nakatingin sakin dito. Ang isa pang ikinabilis ng tibok ng puso ko ay nung ngumiti siya sakin. Bigla kong iniwas yung tingin ko sakanya. I feel the butterflies in my stomach again.

"Oh yun nga, so sang ayon kaba Cate?" Kinalabit ako ni Sunny.

"Ha?" Eh hindi ko kasi alam yung pinag uusapan nila. My mind is in the sky lol.

"Nakikinig kaba?" Sabay taas niya ng kilay niya.

"Ah oo naman!" Baka kasi pagalitan nila ako pag sinabi kong hindi. Batok ang abot ko sa dalawang to pag nagkataon.

"So ano nga?" Nakangiting tanong sakin ni Sunny.

Patay ako neto. Sana magtugma yung sagot ko sa tanong niya. "I think.." kunwari raw nag iisip ako, para mapaniwala ko sila. Ayokong mabatukan. "..I think hindi kailangan." uhmm, siguro about sa kabataan nalang, tutal paminsan minsan naririnig kong tinatopic nila yun. "Kasi baka magrebelde sila. Kaya dapat di sila pinapabayaan ng mga magulang nila." Pumalakpak ako. Im so proud of my answer, pang essay writing contest. 😄

Natigilan ako nung makita ang mga reaksyon ng mga mukha nilang parang hindi sang ayon sa sinabi ko. What's wrong with them? Tama naman yung sinabi ko about sa kabataan ah. Pero ang tanong, yun nga ba yung kasagutan sa tanong nila? Hehe. My batok is ready for their fists. 😤

"Cate, pano napunta yung usapan natin sa kabataan na yan? Anong konek aber? Eh tinatanong ko kung sang ayon ka ba sa bunutan natin nila Ryan ngayong malapit na ang christmas." Napa iling iling si Sunny.

"Ah so magkakaroon tayo ng bunutan this christmas?" Tanong ko.

"Yung totoo? Nakikinig kaba talaga?"

Ngumiti ako and then umiling.

"Psh. BTW, ano okay kaba sa bunutan?" -Ara

"Syempre naman."

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now