49.

14.6K 435 138
                                    

"KORNY MO."



Bigla akong bumalik sa realidad nung marinig ko ang boses na yon.

Pagkakita ko nabigla ako..

Si KD. 😶


Bigla nalang siyang umalis na ang sama sama ng tingin kay Tyson.

"Bakit kaya yun?" Mahinang sabi ko sa sarili.

"Wag mo ng pansinin." Narinig kong sabi ni Tyson na narinig pala ako.

"Punta lang ako sa taas ha?" Paalam ko sakanya tapos hindi ko na inantay yung sasabihin niya dahil umalis na ako.

Aayusin ko lang kasi yung gamit ko saglit. Tinignan ko yung orasan at 6:30 PM na pala. Pagkatapos kong ayusin yung gamit ko ay nagpunta ako sa may veranda.


Napapikit ako habang inaamoy yung sariwang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. "Ang ganda." Sambit ko.

"Oo nga ang ganda."

Bigla kong minulat yung mata ko at nilingon kung sino yung nagsalita. Pagkakita ko si KD pala na katabi ko na ngayon. Nakatingin siya sakin tapos nakangiti. Kailan kaya to mabibigyan ng award na 'best Kabute of the year' 😂 Lakas makasulpot eh.

Napunta naman yung tingin ko sa baba, "Gusto kong pumunta sa baba, mukhang maganda don oh." sabay turo ko dun sa may dagat.

"Tara?" Sabi niya.

"Agad?"

"Oo."

"P-pwedeng bukas nalang? Medyo madilim na kasi. Baka hanapin tayo." Sabi ko.

"Okay." Tipid niyang sagot.

Pinagmasdan lang namin yung ganda ng view. Parang itong katabi ko, anggandang view. :')

"Ahem."

Pareho kaming nagulat ni KD nung marinig ang boses na yon.

"Hello? Naistorbo ko ba yung sight seeing niyo? Hehe." Nakangiting tanong ni Ara. Nagtanong pa, Oo naistorbo mo! Kaloka . 😡

"Ah hindi." Tugon naman ni KD.

"Kayden, pwede favor?"

"Yup, ano yon?"


"Pwede bang ikaw ang magluto para sa dinner natin for tonight? Nasarapan kasi ako sayo- oooopss.. I mean sa luto mo dati. Haha sorry!!"

Sinamaan ko naman ng tingin si Ara tapos tumawa ako ng patago. Sinadya niya ba talagang sabihin na masarap si KD o nagkamali lang? Haha. *iling* *iling*

"Sure. Ngayon na ba?" Tumango naman si Ara, "Sige punta na ako dun, bye." Nagwave ng goodbye samin si KD tapos umalis na.

Naiwan naman kami ni Ara dito.

"Gosh, di ko ineexpect na sasabihin ko yon!" Napasapo siya sa dibdib niya.

"Gaga! Sinadya mo yata eh haha."


"I swear hindi! Nakita ko kasi yung lips niya kaya siguro nasabi ko yun."

Agad kong pinitik yung ilong niya. "Grabe ka! Ibig sabihin gusto mo yon?" 😏

"Medyo! Pero.. Ugh! Oo na sayo na PO. Natikman mo na eh! Kaya sayong sayo na! Gusto mo lagyan mo pa ng kandado?!" Biro niya tapos natawa ako.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now