82.

6.4K 182 73
                                    

81: Letting Go

"Sometimes you have to walk away from people, not because you don't care, but because they don't

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Sometimes you have to walk away from people, not because you don't care, but because they don't."


CATE's POV

"Paalam."

......

Pagkamulat ko ng mata ko asa sahig na ako ng kalsada at nakadapa. Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sakin kaya agad akong tumayo at tinignan kung sino siya.



"MAGPAPAKAMATAY KABA TALAGA?!" Galit na galit siya. Nakakainis lang kasi nagagalit siya sakin. Ang buong akala ko wala na siyang pake sakin.


"Hindi ko naman sinabing iligtas mo'ko eh! Dapat pinabayaan mo na ako! Dapat hinayaan mo na akong mamatay KD!" Ibinato ko sakanya yung bag ko na tumama sa may mukha niya. Ibinaba niya ito at pinunasan yung labi niyang may bahid ng dugo. Mukhang tumama yun sa may bakal na asa gilid. Niligtas niya pa kasi ako, yan tuloy nasugat pa siya. Gusto kong punasan yun kaso naalala ko wala na pala akong karapatan gawin yun.

"SA TINGIN MO MARAMING MATUTUWA PAG NAMATAY KA?!" Dahan dahan siyang tumayo at inabot sakin yung bag ko. Tinignan ko siya na mukhang nag-aalala sakin ng sobra. 

"Bakit mo ba yan sinasabi sakin? Diba wala ka ng pakealam? Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ganito tayo." Hahakbang na sana ako papuntang kalsada kaso agad niya akong hinatak kaya galit ko siyang nilingon. "Problema mo?!"

"Oh ano magpapasagasa ka nanaman?!"


Biglang kumunot yung noo ko. "Ano ngayon sayo kung magpapasagasa ako? Hindi naman ikaw ang gagastos ng pang ospital at pang burol ko ah!" Mariin kong itinanggal yung kamay niya sa may braso ko. Ang hapdi na kasi ang higpit ng pagkakahawak niya.


"Ano bang nangyayari sayo Cate?!"


"SAYO KO DAPAT ITANONG YAN ! ANONG NANGYAYARI SAYO KD?!!" Halos maubusan ako ng hininga. Naiinis ako sakanya, sobra.


Bigla niyang kinuha yung kamay ko at kinaldkad ako sa ewan. Dinala niya ako sa may park at saka binitawan. Madami na kasing nakatingin samin doon kaya siguro dinala niya ako dito. Kilala ko siya eh, mas gusto niya yung kaming dalawa lang.


"Nag aalala kaba sakin? Bat mo'ko niligtas? Sinusundan mo ba ako?" Sunod sunod kong tanong. Hindi ko siya maintindihan. Akala ko gusto niya akong mawala sa buhay niya, pero bakit andito siya ngayon asa harapan ko at pinagsasabihan ako.

"Hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na may bibilhin ako at nakita kita. Wag mo ng uulitin yun, please." Totoo ba to? Sinasabi niyang wag ko ng uulitin yun? Nagmamakaawa ba siya? Eh samantalang nung ako ang nagmakaawa ni hindi man lang siya naawa sakin.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now