Chapter 8 [KISS]

18.6K 479 18
                                    

.

.

.

Gusto kong maging invisible sa mga oras na to.

"Ay oo nga pala, may pupuntahan ako ngayon, mga gabi na ako makakauwi." Pag iiba niya ng topic. Nakaligtas ako dun ah! Pero san naman kaya siya pupunta? Matanong nga.


"Saan ka pupunta?"


"Mag babar kami nung mga barkada ko." Tugon niya tapos tumayo na siya agad. "Bihis lang muna ako ah." Pagpapaalam niya tapos pumunta ng kwarto.


Siguro yung tumawag sa kanya kani-kanina lang yun yong nagyaya. Malagay na nga tong pinagkainan namin sa lababo.


Nagstay ako sa sala kasi di pa siya lumalabas ng kwarto. After 3 minutes ay lumabas na siya na nakabihis. Naka bullcap siya ng black tapos shirt at pants.


"CL, iLock mo yung mga pinto dito ha? Para naman safe."


"Okay."


"Akin na nga pala no. Mo, itetext kita maya pag nandito na ako."


Agad kong tinype yung no. Ko sa Iphone niya tapos nagwave na siya ng goodbye saakin at umalis na. Tinignan ko yung oras at 6 pm na. Ano naman kaya oras darating yung KD na yon?


Napag isipan kong magshower tapos nagbihis ng short at t-shirt. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, tapos ko na kasing basahin yung librong binabasa ko. Nahiga nalang ako at di ko namamalayang nakatulog na pala ako.

After 5 hours

Nagising ako. Tinignan ko yung phone ko at 11 pm na, wala pa rin si KD. Asar asan ba yon! Teka, bakit ko ba siya hinahanap.


Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko, that means may nagtext., alangan naman may namatay? Lol.

Pagkabasa ko nakita ko unknown no. ,

[UNKNOWN #]

CL, andito na ako sa labas. Pabukas yung pinto. Dali dali dali may mga rapist! XD


Natawa ako sa huling text niya, loko talagang KD na to.

Nagpunta ako sa labas para pagbuksan siya ng pinto.


"Tagal mo, muntik na akong dagsain ng mga rapist dito." Pagbibiro niya tapos tumawa naman ako.


"Pasok kana dun, ako na maglalock." Utos ko sakanya.


"Anong ikaw, ako na." Tinabi niya ako gamit yung kamay niya tapos nilock niya yung gate at dali dali niya akong tinulak papunta sa loob ng bahay tapos nilock niya rin yung pinto

"KD wag mo na akong itulak, asa loob na ako oh." Suway ko sakanya.


"Oh sorry na." Tapos nag hands up siya na para bang suko na. Tinignan niya naman ako pababa pataas, "Nice." Bulong niya sakin tapos naamoy ko yung hininga niya, amoy alak.


"Uminom ka noh?" Tanong ko habang padiretso ako ng kwarto tapos naksunod naman siya sakin.


"Malamang, bar yung pinuntahan ko eh." Sarcastic niyang sagot giving me a wide smile on his lips.


"Mag brush ka, ang baho eh." Natatawa kong sabi. Syempre biro ko lang, kahit ganun na amoy alak yung amoy ng bunganga niya nakakaadik pa rin amuyin.


"Baka kaya mo ako pinagbabrush kasi gusto mo akong halikan. Tama ba?" Sabay hubad niya ng shirt niya at putagris tumambad nanaman sakin yung 8 pack abs niya.


"M-mali ah!" Utal kong sambit. Tae naman, namamagnet yung tingin ko sa abs niya.



"Matunaw." Sambit niya tapos tumawa siya ng mahina. Bigla ko naman iniwas yung tingin ko sa abs niya tapos nahiga na sa kama at pumikit. Naramdaman ko namang nahiga din siya sa tabi ko tapos minulat ko mata ko, nakita kong naka topless siya tapos di pa rin hinuhubad yung pantalon niya.


"Magbihis ka nga!" Utos ko. Baka kasi maglaway ako ng wala sa oras dito, ang hot niya swear!

"Ayaw." Parang bata niyang sabi.


"Aysh!" Tumayo naman ako tapos umupo dun sa upuan tabi ng kama.


"Oh bakit?" Nagtatakang tanong niya.


"Hindi ako komportable eh." Sagot ko.


"Dahil ba nakahubad ako?" Kunot noong tanong niya.


"Siguro." Sagot ko na nakatingin sa taas.


"You're good at mathematics, right?" Tanong niya.


"Medyo, bakit?" Tanong ko rin.


"Would you say 69 was a perfect square?"


Muntik na akong masamid sa laway ko sa sinabi niya. Alam ko naman kasing kabastusan nanaman yon eh.


"Hey, answer me!" Natatawang sabi niya.


"Answer me mukha mo," Tumayo ako para lumapit sakanya tapos pinaghahampas ko siya sa abot ng aking makakakaya, wow! abot talaga ng aking makakaya? Lol , "Ikaw KD ah!" Dagdag ko tapos pinagpatuloy ko ang paghampas sakanya.


Nakahiga siyang hinahampas ko tapos ako naman nakayuko habang hinahampas siya. Nagulat nalang ako nung hatakin niya ako papunta sakanya kaya napapatong na tuloy ako sakanya. Nafeel kong bumaon yung hinaharap ko sa chest niya,sh*t.


"Ang laki CL." Narinig kong sabi niya habang nakatitig saakin. Biglang namula yung pisngi ko habang nakatingin sa mga mapupungay niyang mata. Yung mata niyang parang laging bagong gising.


Kakawala na sana ako sa kanya kaso mas hinigpitan niya ang paghawak sa likuran ko. Gosh! Ano tong nangyayari ngayon..


"K-KD, y-yung ano mo.." di ko masabi sakanya, nahihiya ako.


"What?" Tanong niya.


Shaks, sasabihin ko bang nararamdaman ko yung alagan niya na nakatayo? Shete naman! Nanginginig ako dito sana nafifeel niya.


Ilang saglit pa ay biglang tumigil yung mundo ko nung naramdaman ko yung mga labi niya na nakadikit na sa mga labi ko. Pilit niyang pinapasok yung dila niya sa loob ng bibig ko, at dahil sa galing niya ay nagawa niya.. hindi ko alam kung bakit pero sinabayan ko na rin siya. Ang expert niyang humalik, pro na pro. Ang sarap ng halik ni KD... iba tong nararamdaman ko ngayon.. bumibilis tibok ng puso ko, niyakap niya ako ng mahigpit sa waist ko. Yung halik namin with passion, dinidiinan niya bawat halik niya tapos naaamoy ko din yung hinga niya na amoy alak.


Sa tingin ko tama na to kaya bigla akong kumawala sa mga halik niya at tumayo. Pinunasan ko yung lips ko gamit ang kamay ko. Tumalikod ako at napapikit.. shet ano yung ginawa ko? Namin?



"CL," narinig kong tawag niya, pinag iisipan ko kung lilingon ba ako kasi nahihiya ako, nahihiya ako kasi hindi naman kami pero sinabayan ko siya sa gusto niya.. "Uy CL." Tawag niya ulit. At this time nilingon ko na siya na nakahiga pa rin.



"B-bakit?" Tanong ko na hindi makatingin sakanya.



"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya.


"Oo naman!" Tugon ko. Isipin ko nalang na parang walang nangyari.


"Tulog na tayo tara? Or gusto mong magbihis muna ako?" Tanong niya.


"Ikaw bahala, pero mas mabuting magbihis ka muna." Pagkasabi ko non ay bigla siyang bumangon at nagbihis nga.


Nahiga naman na ako, napapaisip pa rin. Ilang sandali pa ay natapos na rin siya at humiga na sa kama.



"CL goodnight." Narinig kong sabi niya. Nakatalikod kasi ako sakanya na nakahiga.


"Goodnight rin." Sabi ko tapos pumikit na.


Nagulat ako sa sunod niyang sinabi..



"Best kiss ever."

--

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now