CHAPTER 122

1.1K 46 73
                                    

Chapter 122


Kayden's POV

"Kayden, si Cate."

Napatayo agad ako.

Ramdam na ramdam ko yung bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang lalabas na.

"A-asan si Cate?" Utal kong tanong.

Napatingin bigla sakin sina Skyler at Tyson.

"Si Cate..... napanaginipan ko magkakasama daw tayo. Pasensya na Kayden, gusto lang kitang kamustahin."

Napaupo ako bigla.

Nanghina ako.

Akala ko pa naman kung may balita na kay CL.

"Okay lang ako." Pinilit kong maging kalmado.

"Uy pasensya na talaga ha, baka inakala mong nakausap ko na si Cate kasi pa suspense pa ako. Sorry Kayden." Nice.

"Okay lang." Napatingin ako kay Tyson na para bang nagtatanong siya kung ano daw meron at bat ko nabanggit kung asan si Cate.

"Sige Kayden, sorry sa istorbo. Namiss ko lang kayo. Bye."

*END CALL*

Nilagay ko agad yung phone sa bulsa ko.

Puta Umaasa pa rin ako.

"Huy sino yun?" Tanong ni Tyson na mukhang nag aalala.

"Si Sunny."

"May balita na daw ba kay Cate?" Tanong ni Skyler.

"Wala. Kala ko meron pero ang sabi lang niya napanaginipan niya lang tayo na magkakasama, kasama si Cate."

"Hay nako si Sunny talaga nagpapakaba, tsk." Napalagok si Tyson ng beer.

"Parang nawalan na ako ng gana. Pwede bang iwan ko nalang kayo dito? Tutulog nalang ako. Salamat nalang." Tumayo na ako at iniwan na silang dalawa.

Gusto ko lang magpahinga.

Cate, san kana ba? Magparamdam ka naman oh.

ARA's POV

Apat na buwan. 4 Months. Yea inenglish ko lang, who cares? Okay so ayun nga, apat na buwan nalang gagraduate na kami. Next month na yung OJT namin, sa ngayon may klase klase muna about sa kung anong mga gagawin at para mapaghandaan ang kung ano man ang dapat paghandaan. Gets?

"Ara!"

Galit kong nilingon yung tumawag sakin. Napakaingay!

"ANO NANAMAN?!" inis kong tanong.

"Please naman oh! Ireto mo na ako kay Tyson!" Kumapit sya sa braso ko tapos nag puppy eyes. Yuck!

"Wag mo nga akong hawakan!" Tinanggal ko kamay nya sa braso ko. "Atsaka di ka type nun ano. Bat ka ba umaasa?"

"Eh kung ipapakilala mo kaya ako at nang makita mo na may chance! Damot mo!"

"Heller! Kung sakaling ipapakilala kita, wala din yun interest sayo. Kilala ko yun. Baka nakakalimutan mong tropa ko yon?"

"Kahit na! Basta mamayang 4pm wait ko kayo dun sa may field, pag di ka sumipot na kasama siya... Hindi ko gagawin yung thesis natin! Uulitin ko, DAPAT KASAMA SIYA. Okeh?!"

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ