88.

8.4K 242 79
                                    

88. The Truth

"Never hold back your true feelings. If you have something to say, then say it, because you never know if you'll get that chance again."

CATE's POV


Pagkalabas ko ng laboratory napapailing iling lang ako habang naglalakad papuntang gym. Ano kaya yung mahalaga niyang sasabihin sakin bukas ng gabi? At para san yung halik niyang yon?

"Bestfriend bat ang tagal mo?" Salubong sakin ni Skyler. Nakakatakot naman to, bigla biglang sumusulpot. 😕


"Si Ryan, okay na ba?" Tanong ko.


"Umihi ka lang okay na agad siya? Haha!"

"Nagtatanong lang eh. Why so mean?"

"Sorry naman raw." Pinakita niya yung hawak niya wallet sakin. "Eto nga't pupunta ako sa canteen ngayon. Bibilhan ko siya ng maraming foods, baka yun lang ang sagot para gumaling siya. "

"Hay nakooo! Oo nga pagkain lang solve na yun. Baka siguro nagkasakit kasi nanlibre siya haha!"
Tumawa ako pero siya wala man lang reaksyon yung mukha. Feeling ko naphiya ako kaya magpapaalam na ako. "Sige puntahan ko na sila." Hahakbang na sana ako kaso pinigilan niya ako.


"Bat namumula yang pisngi mo?"


"Ha?" Agad akong napahawak sa magkabilang pisngi ko. Oh no, halata ba? 😶 si KD kasi eh!


"Namumula ka. Nag blush on ka?"


"Ah.. haha oo!" WTF, kelan pa ako nagblush on? Pero syempere kailangan ko munang magsinungaling ngayon. "Sige bili kana sa canteen. Bye!" Ayun tinakbuhan ko na siya. Baka mapatagal pa yung pag-uusap namin.


Pagkarating ko sa pwesto namin naabutan ko si Ryan na ang sarap ng tulog. Kailangan niya talagang magpahinga. Hindi ako sanay na ganto siya, sobrang tamlay.


"Kawawa naman si Ry." Tumabi ako sakanya at hinawi ko yung buhok niya para makita yung kabuuan ng mukha niya. Tulog na tulog talaga siya habang nakasandal sa pader dito sa gym. Ang bait niya pag tulog, napaka inosente ng mukha.


"Di kasi natin na appreciate yung libre niyang burger at coke eh haha." Napahampas si Sander sa hita niya kakatawa.

"Baka dinamdam niya yon." Tumatawang sabi naman ni Ara.


"Hoy mga adik! Naririnig ko kayo kala niyo dito." Loko, gising pa pala tong si Ryan. 😁

"Magpahinga ka na kaya." Sabi ko.


"Inaantay ko yung pagkain ko. Bat' ang tagal ni Skyler?" Inip niyang tanong. Kahit kailan talaga pagkain pa rin nasa isip niya.

"Anjan na rin yun. Dalian mong magpagaling para makita mo yung fireworks mamaya." Sambit ni Tyson na naglalaro sa phone niya ngayon ng Clash of Clans.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now