36.

13.5K 299 12
                                    

"Ikaw.."



"Toto-"


*DINGDONG*


*DINGDONG*


"Puta epal." Mahinang sambit ni KD.


Agad na inalis ni KD yung pagkakayakap niya saakin tapos nagmadaling pumunta sa pintuan para pagbuksan kung sino man yung gumambala sa moment namin! 😡


"Hiii bestfrieeend!!!"  Bungad nung nagsalita. Sino pa bang bestfriend ni KD eh malamang yung Erika na yon. Panira ng moment eh. 😑



"Uy bakit ka nandito bestfriend?" Narinig kong tanong ni KD. Naupo naman ako sa may sala tapos patagong pinapakinggan ko sila.



"Dalawin lang kita, anu kaba!" Nakita kong hinampas niya si KD sa may chest nito. Aba nanananching?! 😈


"Oy KD papasukin mo si Epa- este Erika!" Sigaw ko. Hala muntik ko ng nasabing epal. 😂 Maging mabait naman ako sakanya kahit ngayon lang, ang taray niyan sakin eh.


"Who's that?" Narinig kong tanong ni Erika tapos mukhang sumisilip siya dito.


"Si Cate, tara raw sa loob." Pagyayaya ni KD tapos dinala niya dito si Erika at naupo sa may kabilang sofa. Ayaw talaga akong katabi eh.

"Pagtimpla ko muna siya ng juice." Sabay tumayo ako pero agad akong pinaupo ni KD. 😮


"Wag na, ako nalang. Mag usap muna kayo, okay?" Tapos umalis na si KD.




AWKWARD. 😞



"Ahem." Kunwa'y ubo ko. Ano to ako ang unang magsasalita? Pataasan ba kami ng pride? *kamot ulo*


"Do you like my bestfriend?" Biglang tanong niya. Ako naman itong gulat na gulat. Unang pag uusap namin tapos yon agad ang tanong niya?!


"Huh? Hindi ah!" Pagdedeny ko. Baka kasi kalbuhin ako nito ng wala sa oras, I love my hair kaya deny muna. 😊 🙅


"Are you sure?" Yes, im sure.. im sure that I like him.


"Oo, bakit?" Nagtatakang tanong ko.


"Kasi kung gusto mo siya, hindi yan interesado si girls. Kaya habang maaga pa wag mo na siyang gustuhin." Sabay ngiti niya sakin. Yun yung ngiting aso, ngiti ng kaplastikan. 😏


"Ah ganun ba. Okay!" Tumawa ako ng mahina. Isang plastic na tawa. Sino ba siya para pigilan nararamdaman ko? Puso ko to eh, baket kanya ba to? Anong magagawa niya kung gusto ko si KD? Wala! Gilitan ko leeg niya eh. 😤


"Tutal you're Kayden's friend... can I also be your friend?" Sabay abot niya ng kamay niya saakin. Talaga bang gusto niyang makipagkaibigan sakin? Pero nakikita ko naman sa mga mata niya na may muta- este she's sincere.


"Weh?" Di makapaniwalang tanong ko. Kailangan ko munang makasiguro. Matapos niya akong tinarayan nung unang pagkikita namin tapos ngayon na sinasabi niyang wag ko na raw gustuhin si KD, tsaka ngayon friends pa ang nais?



Narinig ko siyang tumawa, infairness ang cute ng tawa niya. Walang halong kaplastikan.


"You're funny pala eh! Haha. I like that!" Sambit niya. Eh ang tanong,I like her ba? *smirk*. 'Weh' ko palang natawa na siya, pano pa kaya pag nagjoke ako!


"Hehe. Pero dinga? You want to be friends with me?" Tanong ko ulit.



"Sige para maniwala ka. Sorry nung tinarayan kita nung una tayong nagkita. Alam kong napansin mo yon. Namiss ko lang kasi yang bestfriend ko eh, tapos makikita kong may iba agad siyang kasama. Then nauna ka kaya di tuloy kami nakapag bonding! Ayun.. maniniwala ka na?"  Hmmmmpp...


Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora