80.

6.1K 202 149
                                    


80. Broken vow


"Sometimes, you have to smile, pretend everything is okay, and just walk away."

CATE's POV

si KD?!!

Nagmadali akong ipark yung kotse ko sa may gilid at dali dali akong lumabas sa sasakyan ko. Sobra sobra yung bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na to. Parang anytime magcocollapse ako. Pano ba naman kasi, nakita ko na ulit yung taong mahal ko, yung taong matagal ko ng inaantay.

Tumakbo ako papasok sa loob ng school at hinanap si KD. "Asan naba yun?" Mahinang sabi ko sa sarili. Kung saan saan ako pumunta makita lang siya pero ni anino wala pa rin. Hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko siya.. siya talaga yun. 😣

Lahat na ng room napuntahan ko, pati sa office at pinakatagong lugar pero wala pa rin akong nakikitang KD. Matangkad naman siya pero bat' hindi ko makita. Hingal na hingal akong umupo sa may gilid. Namalikmata lang ba ako? Aysh... siya talaga yun eh! Kilala ko si KD pag nakasideview, ganun na ganun yung mukha niya.

"Cate bat' mag isa ka lang?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Tyson.

Oo nga pala, hindi niya pa alam lahat ng nangyari kanina kasi wala siya. Siguro hindi ko nalang muna sasabihin sakanya, baka hindi rin kasi siya maniwala. Sa ngayon ang mahalaga nakita ko si KD at ramdam ko talagang siya yun.

"Ah wala." Sagot ko. Tumayo naman ako tapos iniwas ko tingin sakanya. Hahanapin ko si KD, hindi ako susuko. Hahakbang na sana ako paalis kaso hinawakan niya agad yung kamay ko.

"Alam ko." Tumingin ako sakanya na seryosong nakatitig saakin.

"A-ang alin?" Utal kong tanong ko.

"Alam ko na kung anong nangyari kanina."

"Yung alin?" Tinanggal ko yung kamay niya sa may kamay ko at tinitigan siya. "Bat di mo pa ako diretsahin?"

"Cate bat mo kailangang sabihin yun kay Paulo?" Unti unting nagkasalubong ang kilay ko sa narinig ko mula sakanya. Pati ba naman siya hindi naniniwala?! Anong akala nila sakin, sinungaling?! Ang bigat na nga ng dibdib ko kanina.. pero mas nadagdagan yung bigat na pati si Tyson hindi ako pinaniniwalaan. Akala ko isa siya sa pag-asa ko na maniniwala sakin. Sabagay, mas madami naman sila na nagsasabing mali yung sinasabi ko kaya maniniwala siya sa mas marami.

Bigla nalang tumulo yung luha ko sa harapan niya. Hindi ako makapagsalita.. wala akong masabi. Dahil pakiramdam ko sa tuwing magsasalita ako, kasinungalinan ang dating sakanila. "Okay ka lang?" Pupunasan niya sana yung luha ko pero umatras ako. Tinignan ko siya ng mabuti sa mga mata niya at nginisihan.

"Alam mo bang ilang beses kong sinabi sakanila na totoong nakita ko na may babae yang Paulo na yan pero hindi nila ako pinaniwalaan. ISA KA RIN PALA SA KANILA. Anong akala niyo sakin, nagsisinungaling? Kelan pa ako nagsinungaling ha? Kilala mo naman ako Tyson diba? Kahit ikaw lang maniwala sakin!" Sa tuwing lalapit siya sakin umaatras ako. Hindi nila alam kung gano kasakit tong nararamdaman ko.

"Cate.. naniniwala ako sayo. Pero sana naman bago mo sabihin yun dapat may proweba ka."

"Proweba proweba proweba! Oo na.. alam ko ng hindi ka naniniwala sakin. Buti nalang at hindi ikaw ang pinili ko! Wala kang tiwala sakin! Sige magsama kay---"

"Pinaglalaban nanaman niya?" Pagsisingit ni Ara kasama sila Ryan. Isa laban sa pito. Pagkakaisahan nanaman ako ng mga to.

"Cate tama na.." narinig kong sabi ni Ryan. Hinarap ko naman si Ara at kasabay nun ay pinunasan ko yung kanina pang dumadaloy na luha ko.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Kde žijí příběhy. Začni objevovat