65.

10.5K 250 76
                                    


CATE's POV

February 10,

Pagkamulat ko ng mata ko siya agad ang bumungad sakin. Pakiramdam ko buo na ulit tong araw ko kasi nakita ko siya. Ayoko na siyang mawala sa tabi ko kasi mahal na mahal ko na talaga tong lalakeng to.


"Gising na ang baby damulag ko." Bungad niya sakin tapos hinatak niya ako patayo at agad na niyakap. "Gusto mong matulog pa? Tutal wala namang pasok ngayon kaya pwede ka pang magpahinga."



"Niloloko mo ba ako?" Sabay taas ko ng kilay ko sakanya. Kinalas ko yung yakap niya at nagpunta agad ako ng lababo para mag toothbrush, ayokong kausapin siya baka mamaya maamoy niya ang morning breath ko tapos maturn off siya sakin. 😂 Pagkabalik ko ay ako na ang yumakap sakanya. "Hinatak mo na ako patayo tapos patutulugin mo ulit ako." Dugtong ko sa naudlot kong sasabihin sana kanina. Nakasubsob ako ngayon sa may dibdib niya at pinapakinggan yung normal na tibok ng puso niya.



"Diba green ang favorite mong color?" Usisa niya at tumango lang ako bilang pag Oo. "Bukod sa green, ano pang gusto mo? Yung mag beblend sa green ha."


"Mag beblend?" Napaisip ako. "Skye blue? Kung hindi kasi green, pwedeng light green at apple green. Teka bat mo ba tinatanong KD?"


"Wala lang. Masama ba?"

"May sinabi ba akong masama?"

"Baket, ikaw ba sinabi kong nagsabi na masama?"

"Oh baket? Sinabi ko rin ba na ikaw nagsabi na masama?"

Niyakap niya ako ng mahigpit at pinanggigilan. "Di ka talaga papatalo."

"Aba syempre, nasa tama ako eh." Sabay kindat ko sakanya.

"Oh shet nainlove nanaman ako." Nagkunwari siyang nahimatay.

Natawa ako ng malakas. "Ang bading mo!" Biro ko sakanya tapos pinandilatan niya ako.

"Ako bading? Wahaha, come here baby! Gawa tayo ng baby at ng makita mo kung sino yung sinasabihan mong bading!" Akmang hihilain niya sana ako sa kama kaso tumakbo agad ako patungong kusina.

"Gago hahaha ang sutil mo KD!" Pahabol kong sigaw. Narinig ko naman na yung mga yapak niyang papunta dito kaya nagtago ako sa may likuran ng ref. Siniksik ko yung sarili ko kahit na di na kasya. Pucha, ano ba tong pinag gagagawa ko sa buhay ko. 😂 taena ang init pala dito sa likod ng ref.

"CL asan ka? Tataguan mo nalang ba tong magiging future daddy ng mga baby natin?"

Tangina ang manyak ng bunganga. Pero infairness, napasmile ako dun sa sinabi niyang magiging future daddy KUNO ng mga baby namin. :')

"Pag di kapa lumabas jan kikilitiin kita ng 10×." Pagbabanta niya. Napakagat na ako sa may kuko ko tapos lumabas na ako. Ayokong makiliti noh. "WTF! Bat jan ka nagtago?!" Agad niya akong pinuntahan. Kitang kita ko na nagpipigil na siya sa tawa. Bwisit anong pinagtatawanan niya?! 😈

"Oh ano? Bat ka ngingiti ngiti jan?"

"Ang dami mong alikabok sa buhok." Sabay alis niya rito. "Sa susunod kasi piliin mo yung tataguan mo, okay?"


"Mag suggest ka nga kung san pwede."


"Sa loob ng ref."


Pintitik ko agad yung ilong niya. "Kasya ba ako sa ref?!"


"Haha! Sa likod nga ng ref pinagkasya mo sarili mo eh, sa loob pa kaya?"

Inirapan ko siya. Ito nanaman siya iniinis ako. "Urgh! Why so bad KD?!"

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon