Chapter 109

5.6K 131 100
                                    

109. SAMA SAMA <unedited>

[CATE's POV]

"TALAGAAAA?! DINGA?! JOKE BA YAN?!!!"

"Hahaha! Oo nga."

Jusme kay aga aga ewan ko kung nang gugoodtime lang tong si KD. Sabihin ba naman na mag impake na ako kasi mga 6pm flight namin sa Korea. Sino ba namang hindi mabibigla dun? Parang isang napakalaking joke.

"Wag ka ngang nagbibiro dito KD, baka mamaya maniwala ako."

"Tsk. Look." Tinapat niya sakin yung phone niya at nakita ko yung name ni Tyson with matching tukmol boy pa tapos binasa ko yung text. Nanlaki bigla mata ko. Yung isang batok nalang sakin eh labas na agad eyeballs ko. "Now what? Naniniwala kana?"

"Waaaahhh! Yeeeeyyyy!" Niyakap yakap ko si KD sa sobrang tuwa. Kulang nalang eh talun talunan ko siya. 😂

"Kalma lang." Napatigil ako sa sinabi niya.

"Anong kalma? Hindi! Ayoko!" Inikut ikutan ko siya habang sumasayaw ako na parang ewan. Nung makita ko yung mukha niya na nawewierduhan sa ginagawa ko eh tumigil ako tapos kunwari walang nangyari. Ngayon ko lang narealize na para akong tanga sa ginawa ko. 😖

"Oh bat ka tumigil?" Kita ko sa labi niya na nagpipigil siya sa tawa. Kainis talaga, pinagtatawanan niya ako. Siguro sabi niya sa isip niya natitimang nanaman tong girlfriend ko.

"W-wala. Sige na mag aayos na ako ng mga gamit ko." Tinalikuran ko na siya tapos nagpunta ako sa may closet ko.

"Bra't panty isuot mo pag papunta. Pag pauwi naman mag t-back ka Mahal." Bigla akong napatingin sakanya na asa likuran ko pala tapos binigyan ko siya ng death glare.

"Seryoso kaba ha?"

"Syempre ..... HINDI nuh, Tch! Bat kita papasuotin ng ganon? Mamaya paglawayan ka nila eh. Baka makapatay pa ako pag ganun."

"Parang seryoso ka naman kasi eh, kasi kung seryoso ka gagawin ko. Kaso para fair eh dapat naka brief ka lang din." Gusto kong matawa sa pinagsasasabi ko kaso kalma lang.

"CL?! Ako pagbibriefin mo? Gusto mo bang ma-expose masyado tong katawan ko? Tsk tsk, hindi magandang idea yan Mahal ah."

"Baliw hahhahaha."

"Ako pa baliw huh? Reypin kita jan eh."

"Sige ka sisigaw ako ng MAY RAPIST!"

"Edi sumigaw ka. Akala mo may makakarinig sayo? WALA, as in ZERO."

"Jan ka magaling eh."

"Aba oo naman magaling ako! Wanna try mahal?" Binigyan niya ako ng nakakaakit na ngiti. Jusmiyo marimar, bat parang pinagpawisan yata ako? Kelangan pala pumunta na kami ngayon ng Korea as soon as possible para naman malamigan yung mga ugat ugat sa katawan ko.

"Ehem." Kunwa'y tikhim ko tapos lumayo ako ng kaunti sakanya. "Uhmm... KD hindi kaba aalis? Wala ka bang balak mag impake? Papanoorin mo nalang ba ako dito?"

"Mas gusto pa kitang panoorin magdamag kesa mag impake."

"Gusto ko hampasin kita ng tubo?"

"Brutal ka talaga eh. Bat mo naman ako hahampasin ng tubo? Mali ba sinabi ko?"

"Yun na nga eh, sarap mong hampasin ng tubo kasi pinapakilig mo'ko." Ayiee, landi landi mo CL! 😂

"Aysh. Uhm sige na ayusin mo na mga gamit mo, balikan nalang kita dit- ay hindi.. sige wait nalang kita tapos punta tayo sa bahay." Tignan mo tong lalakeng to, di man lang pinansin yung sinabi ko. Hampasin ko na kaya ng tubo. -__-

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now