89.

6.9K 197 33
                                    


89. Come back is real Again~



"Never regret what you think is right."


CATE's POV


Pagkamulat ko ng mga mata ko tumingin agad ako sa tabi ko. Nanlaki mata ko kasi wala na si KD. Asan yun?!

"Are you looking for me?"

Agad akong napatingin sa may pinto at nakita ko si KD na nakasandal dun at wala ng nakakabit na dextrose pero may bandage pa rin sa ulo niya.


"P-panong?.."

"Pwede na akong lumabas." Lumapit siya sakin at hinila ako patayo. "Tara na."

"S-san tayo pupunta?"


"Sa bangs mo."

"Gago." Sabay hampas ko sakanya.


"Bat' ka nagmumura ha?" Kinurot niya ng mahina yung tagiliran ko kaya napabalikwas ako. Napahiga tuloy ako.

"Inaasar mo'ko eh." Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako. Bat' ba napakabig deal sakanya nitong bangs ko? Edi magpa bangs rin siya. 😏

"Get up, aalis na tayo."

"Hindi pa ako nakakapag ayos."

"Mag mi-make up ka pa? Wala namang gwapong doctor at nurse dito ah?"


Sinamaan ko siya ng tingin. Grabe porket mag aayos, make-up na agad? Hindi ba pwedeng mag hihilamos at magsusuklay? Tsaka akala niya nagpapaganda ako sa mga doctor dito. Psh.

"Asan nga pala si Manang?" Tanong ko.

"Asa labas na."

"Weeeh?"

"Oo nga. Nagtanong ka pa kung ayaw mo rin maniwala."

Agad akong tumayo at tumakbo palabas. Wahahaha! Naisahan ko siya! 😂

"Heeeey!!" Pahabol niyang sigaw.

Lumapit naman ako kay Manang na nakaupo sa gilid. "Manang bat' ang bilis naman yatang makalabas ni KD?" Nagtatakang tanong ko.


"Ang totoo niyan pinilit niya yung doctor na lumabas na siya. Pasaway talaga yang Kayden na yan, haha."

"Hala! So hindi pa siya dapat lalabas?"

"Ganun na nga.  Binarkada niya yung doctor." ugh! Yung KD talagang yun! 😡 Pero natawa ako nung binarkada niya yung doctor. Mautak talaga yung lalakeng yun.


"Dora the explorer! Bat moko tinakbuhan ha?" Ang sama ng tingin niya sakin ngayon. Yung tipong parang lalamunin niya ako ng buhay. 😶

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon