Chapter 25

15.8K 338 84
                                    


SANDER'S POV

[Say Hi to Brent Sander Martinez

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[Say Hi to Brent Sander Martinez.]

Hooooo! Kaasar. Hanggang dito ba naman sinusundan ako nung mga bading na yun! Nakakaasar na ah! Bakit ba kasi pinanganak akong cute eh.

"Hi fafa!"

Taena! Anjan na sila. Saan pa ba ako magtatago nito? Eh halos malibot ko na buong resort. Tsaka asan ba yung kasama kong chix kanina, iniwan kasi ako eh kaasar.

"Hey fafa! Wag mo naman kaming takbuhan!" -bakla 2

"Putspa! Utang na loob lubayan niyoko!" Sigaw ko.

Asan na kaya sila Ryan. Kanina andun sila sa kabilang pool, bakit biglang nawala. Kailangan ko tulong niya.

"Hey fafa! Come to me!" -bakla 3


The eff. Ang landi!

Tumakbo ako sa abot ng aking makakaya hanggang sa may nakabangga ako.

"Aray!" Narinig kong sabi niya. Minukhaan ko naman kung sino tapos natuwa ako nung malaman kung sino siya.

"Yesss! Tyson! Buti nandito ka!" Hinihingal kong sambit.

"Bakit mukhang hinahabol ka yata ng gorilla?" Natatawang sabi niya. Buti alam niya na mukhang gorilla yung mga nanghahabol saakin.

"Pre! Tulungan moko." Hinihingal ko pa ring sabi.

"Tulungan? Saan?" Kunot noong tanong niya.

"FAFA!"

"Tae anjan na sila!"

"Huh? Sinong sila?" Nagtatakang tanong niya.

"Maya ko na ieexplain! Bye na!"

Kumaripas na ako ng takbo. Bahala na siya jan.

"Hey dude wtf!" Narinig kong tawag ni Tyson tapos nilingon ko siya saglit at natuwa ako sa nakita ko. Siya na ngayon ang inaakit ng mga bading. Lol!

Napadpad ako sa may loob ng hotel. Grabe nakatakas rin sa wakas!

"Huy pre."

Nilingon ko naman kung sino yung tumawag saakin tapos nakita ko si Ryan, yung kanina ko pa hinahanap. -,-

"Oh? San kayo galing?" Tanong ko.

"Ikaw? Saan ka galing?"

"Ts, binalik mo lang tanong ko."

Tinuro ko yung sofa para umupo kami don. Napagod akong tumakbo e.

"Hoy san ka nga galing." Pag uulit niya.

"Hinabol ako ng mga alagad ng alakdan!"

"Pota!" Tumawa siya ng malakas sabay palo niya sa legs niya, "Di ka tinantanan nung mga bading na yun ah!" Dagdag pa niya.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now