Chapter 10 [SELOS]

19.2K 422 15
                                    

.

.

.

"Yuhoooo CL!"

At ayan na nga si KD, katatapos lang umihi.

"CL? Where are you?" Sigaw niya.

Gagu talaga tong KD na to, eh andito pa rin naman ako sa sala eh, pano niya ako makikita kung asa kwarto siya. -_-

"KD tumigil ka jan!" Suway ko sakanya. Dali dali naman siya tumakbo papunta saakin tapos tumabi.

"Sabi ko sayo sama ka kanina eh," sabay durot niya sa tagiliran ko. Buti naman at di ako nakiliti.

"Anong gagawin ko naman don? Papanoorin kang umihi?" Natatawa kong sabi sabay hampas sakanya ng unan na hawak ko.

"Pwede rin." May pang aakit niyang sabi, "Pwede mo ring titigan ang junjun ko habang umi-"

"Bastoooos!" Pagpuputol ko at agad ko siyang binatukan. Nakita kong napangiwi siya sa sakit, buti nga sayo.

"CL naman, ang sakit nun ah!" Reklamo niya na hinihimas yung batok na natamaan ko.

"Ang bastos ng bunganga mo eh!" Inis kong sabi.

Bigla namang sumeryoso yung mukha niya, "Masanay kana sakin." Bulong niya tapos slow mo akong napatingin sakanya.

"Anong masanay?" Nagtatakang tanong ko.

"Masanay ka na sa abs ko sabi ko! " sabay gulo niya sa buhok ko. Loko to, dinamay pa ang wonderful abs niya.

Tumayo naman siya tapos bigla niyang..... tinanggal yung shirt niya 0__o Tumambad nanaman sakin ang isa sa tourist spot sa munting bahay na to, at yun ang abs ng KD na to.


"Ulam." I heard myself say at muntik ko ng saksakin ng toothpick yung sarili ko.

"What? ULAM?" Kunot noong tanong niya habang tumatawa.

Bigla akong tumayo.. kainis. Sarap mangain ng buwaya ngayon!

"Oh, san ka pupunta?" Tanong niya.

"Magbibilang ng buhangin." Sarcastic kong sagot tapos agad siyang pumunta sa harapan ko para harangan ako.

"Ganyan ba epekto ng abs ko sayo ha?" Pagdadrama niya, kala naman niya matatanggap siya sa star magic niyan, para sabihin ko.. OO NAMAN! GWAPO EH . Errrrr.. anyways.. asa tapat ko yung abs niya.

"KD alis ka jan, baka hinangin na yung buhangin na bibilangin ko." Seryoso pero deep inside nagbibiro ako.

"Ang lakas ng saltik mo CL!" Sabay pitik niya sa noo ko. Makaalis na nga lang, ako pa tinawag na saltik. Para kaming nagpapatintero ngayon kasi hinaharangan niya yung dadaanan ko.

"KD tabi!" Sigaw ko.

"Ayoko."

"Alis sabi eh!"

"Ayoko nga."

"Natatae ako!" Pagbibiro ko para naman paalisin na niya ako.

"Who cares?" Tapos tinaasan niya ako ng kilay. Taraaaay!

"Grabe ka!"

Di ko inaasahang mahampas yung abs niya.. biglang nagslow motion yung pagdampi ng kamay ko sa abs niya.. grabe ganito pala ang feeling, heaven! Ang tigas.. ugh.

"CL hahaha!"

Bigla kong tinanggal yung kamay ko na nakahawak sa abs niya. Kashungahan mo CL!

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon