Chapter 115

2.2K 66 20
                                    

"When you love what you have, you have everything you need."


#SunDer

CATE's POV


Pumunta na ako sa kung saan saang sulok hanggang sa napadpad ako sa may eskinita. Habang naglalakad ako eh bigla nalang ...

Bigla nalang akong napatid dahilan para malaglag ako sa kanal sa gilid. Hayup na yan, may kanal pala dito? Napakaswerte ko naman ngayong araw na 'to. Bukod sa amoy basura na ako eh nag ala amoy kanal pa. Pano ko sila haharapin nang ganto ang itsura ko? Jusko naman.

Naisip kong ... takbuhan ang responsibilidad ko bilang taya sa laro namin. Dumaan ako sa likuran ng bahay para maligo't magpalit agad agad. Alam kong ako yung taya at ako yung dapat naghahanap ngayon, pero sa ngayon panigurado ako naman hinahanap nila. *Evil Laugh*

Paglabas ko ng CR, nagulat ako. Lahat sila naka linya tapos nakatingin sakin ng masama.

"Cate, where have you been all the time?" kanta ni Ara.

"Bat ka nawala?" tanong naman ni Sunny.

"Ah eh..." Pano ko ba to uumpisahan?

"Hinanap ka namin kung saan saan, akala namin kinuha kana ng kumaw." narinig kong sabi ni Tyson.

"Si Kayden kanina pa raw sa likuran ng puno nakatago, nakagat kagat siya ng maraming langgam kakaantay sayo, haha!" natatawang sabi naman ni Ryan. Hinanap ng paningin ko si KD, asa may sala na pala siya.

"Sorry guys. Ano kasi.."

"Ano?" sabay sabay nilang tanong.


"Naligo agad ako kasi.. ako yung naaamoy niyong amoy basura at patay na daga tapos kanina napadpad ako sa eskinita, nahulog ako sa kanal."

*SILENCE*


"AHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAAHHA!!!!"

Si Sunny at Ara halos magtumbling sa kakatawa. Pinagtatawanan nila ako. >___<

"Lol! Ang mahalaga mabango kana Cate." ginulo ni Sander yung buhok ko. "Next time wag tatanga tanga ha?" nginitian niya ako ng wagas tapos umalis na. Natulala lang ako.

"Basta Cate, wag tatanga tanga. Walang gamot dun, hehe." kinindatan naman ako ni Ryan tsaka din umalis.

Waaaahhh! Malay ko ba na may kanal dun tapos madilim pa, di ko naman nakita. Argh!



Sinara ko nalang yung pinto dito sa kwarto. Sila Ara at Sunny ay pareho ngayong nagcecellphone habang nakahilata sa kama. Si Aisha pala nagpaalam lumabas, puntahan niya raw muna yung tita niya na malapit dito samin. Pero teka, sino naman kayang kachat ng dalawang to. Kanina tawa sila ng tawa.



"Oy sinong mga kachat niyo? Si Niko at Paulo ba?" pambulabog ko sa dalawa.

"Ewwww!!!!!" sabay pa nilang sabi.

"Wow makapandiri naman kayo jan parang di niyo minahal ah, haha!"

"You know what Cate, now ko lang narealize na hindi kami bagay ni Paulo."

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Where stories live. Discover now