Chapter 77

10.5K 236 15
                                    

~Chapter 77~

Cyano POV

"Hoo!!"

Hinila ko ang lubid ng aking kabayo ng huminto ang mga nasa unahan naming mga taga Elfanio

Bahagya kong tinanaw ang nasa unahan namin at nakita kong bangin na ang nasa harapan nila Luan. Nakita ko ring tumigil sa paggalaw ang kulay lilang hangin

Ang alam ko ang lupain kung nasaan kami ngayon ay ang lupain na hindi sakop ng anumang kaharian ng Dark Empire. Dahil ito ay itinuturing na pagmamay ari ng Underworld

Tama ba ang daan ng hangin na aming sinusundan? Baka pati un naligaw na rin

Pero di nagtagal ay muli itong gumalaw at napakunot noo ako ng oras na lumampas ito sa dulo ng lupa kung saan ay bangin na, unti unting lumabas ang isang malaki at malawak na harang. Para itong shield na medyo may pagkatranslucent

Kumalat roon ang hangin na binigay ni Persephone at agad na nasira ang harang na nasa harapan nila Luan

Unti unting sumilay sa aking mga labi ang isang ngiti ng makita ko na ang matagal ng hinahanap na kaharian

"Kingdom of Althalos" - sambit ni Cleon na nasa kaliwa ko

Mula rito sa pwesto namin ay rinig na rinig namin ang mga pagkidlat sa parteng iyon ng kaharian ng Althalos. Kung titignan ito ay para itong nilamon ng kadiliman.

Tila nagtaasan naman ang aking mga balahibo ng marinig ang kakaibang sigaw mula sa kaharian ng Althalos

"Banshee ba iyon naririnig ko?" - tanong ko

"Yeah. They prophesies death is soon to come" - Dylan, my other brother

"Argh! Bakit parang nakakakita ako ng mga halimaw mula rito? Pag talaga nagasgasan lang ang mukha ko! Pasensyahan na lang!"

Kanina pa yan kakareklamo si Saxon. Muntik ko na nga yang ihulog kanina sa kabayo niya. Nakakapeste pakinggan!

"Be ready" - Cleon

Hinawakan ko na ng maigi ang tali ng aking kabayo

Here we comes Althalos...


Kyran POV

Mula sa aming pwesto ay kitang kita namin ang kabuuan ng kaharian ng Althalos

Sa labas ng palasyo ay naroon ang mga hanay ng kalaban

Mga bampira at - warrior of the dead

Kung ganoon ay ipinadala ni Hades ang mga kawal niya mismo

"Haaaaa!!!"

Pagkapatakbo ni Luan sa kabayo niya ay agad rin naming pinatakbo ang kabayo namin nila Priam

Rinig ko rin ang pag alulong ng Alpha King habang nagsisitakbo. Halos pumantay na ang mga ito saamin

Habang tumatakbo ang kabayo ni Luan ay siya namang pagyelo bahagya ng lupang kaniyang daraanan

Nakita ko ring nagsilusuban na rin ang kabilang panig upang salubungin kami

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon