Chapter 14

13.1K 418 23
                                    

~Chapter 14~

"I am Yael, and you are?"

Tanong nya habang bahagyang nakayuko at nagniningas ang kanyang mga matang nakatingin saakin


"I am Freya"

Sagot ko bago ko hinila ang kamay ko mula sakanya

nakangiti syang tumuwid ng tayo habang nakatingin pa rin saakin

"A beautiful name for a beautiful deity"

"Yael! What is this??"
- tanong nung Keena habang nakatingin kay Yael

hindi naman sya nilingon nito

"It is dangerous for a human like you to roam around here alone, It's safe for you to go with us" - sabi nito na kulay itim na uli ang kulay ng kanyang mga mata

"Isasama natin sya?" - tanong ni invisible vampire

"Yes"

KASALUKUYAN kaming nakaupo ngayon palibot sa isang mesa dito sa maliit nilang kubo. Nasa gitnang parte ito ng gubat, pero malayo dun sa patay na gubat na aking pinanggalingan

Ginamot na rin nila kanina ang mga sugat ko. Ung babaeng naka cloak ang gumamot saakin dahil sa lahat sakanila sya daw ang may mas malakas kumontrol ng sarili

"Paano ka napadpad sa lugar na ito?" - tanong nung Keisler na nasa harapan ko katabi ni invisible vampire

"Hinigop ako ng isang portal"

"Isang portal? Saan naman galing ang portal na iyon?" - tanong naman ni invisible vampire na nasa kaliwa ni Keisler

"Hindi ko rin alam kung saan iyon nanggaling"


"Imposibleng nagkataon lamang na napunta ka dito TAO" - Keena na nasa dulo ng mesa sa kaliwa ko na masuri akong pinagmamasdan

Hindi dapat nila malaman kung sino at ano talaga ako. Maaaring kalaban pa rin sila. Tanging sila Kevin at Kyran lang ang bampirang dapat kung pagkatiwalaan


"Hindi ka ba natatakot saamin? We are vampires and we might suck your blood" - Keisler na dumukhang sa lamesa palapit saakin


Agad naman syang itinulak pabalik sa upuan ni Yael na nasa dulo ng mesa na nasa kanang bahagi ko malapit kay Keisler

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now