Chapter 47

11.9K 310 24
                                    

Dedicated to:
@fallamaricris @AvantikaSac @MariaLourdesMedina @Pinkempress17 @shemarkdatumalagu
@shenny02181998
@orzaljenelyn @bhabhra @ElsiePasasadaba7 @alcalarona3 @basher1995 @JaniceEmata @magandahako

Thank you 😊😊😊😊

~Chapter 47~

Freya POV

Naghahanda na sila ngayon para sa paglalakbay bukas.

Napagpasyahan na rin ni Luan kung sino ang sasama sa paglalakbay

Excited na ako para bukas dahil sa wakas ay makakalabas na ako ng palasyo!!

Masaya kong pinapanood ang pagbagsak ng tubig sa fountain na naririto sa gitna ng hardin

mag isa lamang akong nakaupo sa damuhan habang nasa aking kandungan si Sky

Kakaalis lang nila Miya at Zeyton upang mag ayos na rin ng dadalhin nila para bukas

namimiss ko na rin ang makulit na si Khali. Nung mga nakaraang araw kasi eh palagi na lng hinihila ni Zane si Khali kapag lalapit saakin at may ibubulong saka sya hihilain ni Khali paalis. Hindi ko alam kung ano ba ang pinag uusapan ng dalawang iyon.


"Himala ata at hindi mo kasama ang mainitin na prinsipe ng nyebe"

Napalingon ako sa aking likuran at nakita kong nakatayo di kalayuan sa pwesto ko si Priam


"Nais syang kausapin ng konseho bago sila umalis"


"Psh! Hndi ka dapat nya hinahayaang mag isa"


"Ayos lang naman ako dito"

Ilang segundo namayani ang katahimikan bago sya muling magsalita


"Maaari bang magtanong?"

Napatitig ako sa seryosong mukha ni Priam. Ano naman kayang itatanong nya?


"Ano ba iyon?"

Pero hindi sya agad nagsalita


"Priam an--"


"Natanong muna ba si Luan kung ikaw ang unang nyang babaeng minahal?"

Napakurap ako ng mata dahil sa kanyang tanong

Yun na ba ang tanong nya?

Napalunok ako ng biglang tumaas ang isang kilay ni Priam ng matagal akong hindi nkasagot


"A-ah oo. Ti-tinanong ko na sya noon. At ang sagot nya a-ako pa lang daw ang mi-minahal nya" - naiilang kung sagot


"I see"


"Ba-bkit mo pala natanong?"


"Wala naman. Ikaw pa lang pala hu? Tsk! Tsk! Aalis na ko mag aayos pa ako ng gamit"

At tinalikuran nya na ako at umalis

Ano naman kaya ang nakain noon at basta basta na lang magtatanong ng gnun?

Di ko na lamang inisip ang naging pag uusap namin ni Priam at muli ko na lang pinagmasdan ang fountain

Kakaiba kasi ang fountain na to. May kasamang snow ang tubig na umaagos sa fountain at nababalutan pa ng yelo ang paligid ng fountain kaya ako natutuwa.

Napatingin ako sa damuhan ng may malaglag na petals ng pulang rosas hanggang sa nasundan pa ito. Napatingala ako at doon ko nakita na may mga petals ng pulang rosas ang nagsisihulugan

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon