Chapter 55

11.4K 255 2
                                    

Dedicated to: @hnniejdhf
@alcalarona3

~Chapter 55~

Hindi ako makagalaw habang yakap yakap niya ako

Bahagya niya akong inilayo sa kanya at saka ako tinignan

"Ikaw nga. Ang nag iisang anak ni Amaia. Ang sanggol na isinilang ng gabing iyon" - sabi niya na may namumuong luha sa kanyang kulay Kulay kahel na mata

Hinaplos niya ang aking pisngi

"Mas maganda ka kaysa kay Amaia alam mo ba iyon?" - natatawang sabi niya

"Lubos mong nakuha ang mukha ng iyong ina. Pero kay Caddius mo nakuha ang iyong mga mata. Maging ang iyong buhok ay katulad ng iyong ina"

Napatingin ako sa itim na itim na buhok niya na kasing itim ng akin

"Ang iyong ilong ay ganun din ng kay Amaia. Maging ang hugis ng iyong mukha. Alam mo bang nagselos pa ang iyong ama ng makitang halos wala kang nakuha sakanya? Pero ipinaliwanag ni Amaia na sa lahat ng panlabas na kaanyuan ay mata ang sumasalamin sa tunay na pagkatao ng sinuman. Ang matang kaisa isang nakuha mo kay Caddius maliban sa kanyang kapangyarihan"

"Buwan na hugis crescent ang unang bumati sayo sa mundong ito. At isa rin siya sa naging saksi sa muli mong pagkabuhay"

Matiim lamang akong nakikinig sakanya. Hindi na rin namin pinapansin ang mga kasamahan namin na naririto at nakikinig lamang

"Naroon ako sa silid kung saan ka ipinanganak. Nakita ko kung paano tumulo ang luha ng iyong ina ng lumabas kang hindi humihinga. Maging ang ama mong kilala sa pagiging matapang ay may namuo ring mga luha sa kanyang bughaw na mga mata. Ibinigay ni Amaia ang kanyang nag iisang tanging kakayahan para lamang saiyo na kanyang anak. Ang kakayahang bumuhay"

"Ipinahahanap kita. Dahil alam kung naitakas ka ni Louella. At masaya akong nasilayan ko na naman ang magaganda mong asul na pares ng mga mata"

"T-totoo po bang kakambal mo si mama?"

"Oo, kakambal ko ang iyong ina. Ako si Queen Amara"

Kung ganoon ay nasa harapan ko ngayon ang kamukha at kabiyak ng buhay ni mama

"Kung ganoon ay kamukha niyo ho siya?"

marahan siyang tumawa

"Oo, magkamukha kami. Maliban sa kulay ng aming mga mata. Your mother has honey gold eyes na bumihag saiyong ama"

Sayang hindi ko nasaksihan ang pagmamahalan nila papa at mama. Pero ako ang naging bunga niyon kaya't kahit hindi ko man nakita iyon ay nararamdaman ko naman ito palagi sa tuwing pinagmamasdan ko ang aking sarili

"Nabanggit niyo po kanina ang pangalan ni Tita"

"Si Louella ba?"

Tumango naman ako

"Matalik kaming magkakaibigan ni Louella. Kaming tatlo ni Amaia"

"Maaari bang magtanong? Masyado na akong naguguluhan"

Nilingon ni Queen Amara si Zeyton

"Ang unang tagabantay. Ano ang iyong katanungan?"

"Kamukha niyo po si Queen Amaia, pero bakit ni minsan ay wala kaming nabalitaan na may kakambal ang mahal na reyna?"

"Dahil mahigpit na ipinagbawal ng aming ama na ipaalam sa mga taga labas ang pagiging kambal namin. Ayaw nilang malaman ng mga taga labas ng Elonia Majestica na kambal ang kanilang anak"

"Ano po bang dahilan?" - Miya

"Ng mga panahong ipinanganak kami ni Amaia ay isang daang taon ng walang vessel ang Legendary Phoenix at ng napag alamn nila inang reyna at amang hari na si Amaia ang napiling sunod na maging vessel ay nabahala sila dahil sa magiging delikado ang buhay nito. Upang proteksyunan siya ay ako lamang ang pinapayagang lumabas ng palasyo. Ngunit naawa ako sa aking kakambal kaya't pinakiusapan ko sila ama na ako na lamang ang magpapaggap na siyang vessel ng phoenix. Minahal siya ng lahat na aming nasasakupan dahil sa angkin niyang kabaitan. Walang makapapantay sa busilak ng kanyang puso kaya't hindi nakapagtataka na nasa kanya ang Legendary Phoenix"

Resurrecting The King Of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon