Chapter 34

13.4K 322 2
                                    

~Chapter 34~

Kumakain kami ngayon ng agahan. Nasa bandang dulo kami ni Luan, nasa kaliwa ko sya samantalang nasa kanan ko naman si Zane


Nasa tabi naman ni Zane si Kevin na katabi naman nila Miya at Zeyton

Nasa harapan naman ni Luan si Priam at nasa harapan ko naman si Travis na katabi naman ni Xeon. Katabi naman ni Xeon si Adreana bago si Rosh

May mga isini-serve na dugo ang mga katulong kila Luan maging kay Kevin

Samantalang tubig at strawberry juice naman saamin nila Zane

"Wag kayong mahihiya. Gawin nyong komportable ang sarili nyo dito sa palasyo" - Adreana

"Ikinagagalak namin na marinig yan mula sa nag iisang prinsesa ng Parua Abellon" - Zeyton

"Kamusta na ang Light Empire? Matagal tagal na akong hindi nagagawi doon" - Xeon


Galang bampira ba to si Xeon?

"Maayos naman ang Light Empire. May mangilan ngilang maliliit na bayan na ginugulo ng mga sugo ni Haden" - Miya

"Nakakapagtaka"


Napatingin kami ng mag salita si Zane

"Nakakapagtaka ang alin Zane?"

"Mukhang tahimik ngayon si Haden"

"Mas delikado kung ganun" - Priam

"Ano na naman kaya ang pinaplano nya?" - Rosh

Napatingin ako kay Luan ng hawakan nya ang kamay ko

"Continue eating"


At nilagyan nya pa ng maraming pagkain ang plato ko

Balak ata akong gawing baboy nito


Zane POV

Sadyang napakalaki ng palasyo ng Parua Abellon. Nakakalula din ang mga nagkikislapang palamuti sa paligid. Ang mga kagamitan ay halos gawa sa purong ginto

Marmol ang sahig at may mga malalaking Chandelier din na nakasabit sa mataas na ceiling ng palasyo

Sa lawak siguro nito ay di ko kakayaning libutin ito ng isa o hanggang tatlong araw

Resurrecting The King Of The DarkΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα