Chapter 35

12.7K 325 10
                                    

~Chapter 35~

Freya POV

Gusto kong lumabas ng palasyo.
Mali, gusto kong lumabas sa gate ng palasyo

Gusto kong makita ang mga bayan na nasasakupan ng Parua Abellon

Gusto kong lumabas, pero papaano??

"Mahal na prinsesa" - Zeyton

Nasa labas kami ngayon ng palasyo malapit sa malawak na hardin ng kaharian

"Maaari nyo ba akong samahan sa labas ng palasyo? Sa labas nitong tarangkahan?"

"Ngunit mahal na prinsesa hindi kayo maaari pang lumabas at mahigpit na bawal din iyon ni prinsipe Luan" - Miya

"Pupunta nalang ako sa hardin. Mabuti pang tawagin nyo na lamang muna sila Zane"

Yumuko naman si Miya at aalis na sana ng magsalita ulit ako


"Sumama kana Zeyton, ikuha mo ako ng lalagyan ng mga rosas"

"Pero di kayo maaaring maiwan mag-isa"

"May mga bantay namang gumagala Zeyton"

Di naman na sya nakipag talo pa at umalis na silang dalawa

Masaya kong pinagmamasdan ang mga mapupulang rosas habang hinihintay sila Miya

Magiging maayos lang kaya ang lahat sa araw ng pagpapakilala saakin?

kanina ay sinukatan na ako para daw sa isusuot ko sa makalawang araw.
Mukhang malaking pagdiriwang talaga ang magaganap

Nakarating ako sa pinakadulo nitong hardin

Bakit tila wala ditong pader na nakaharang?

Puro halaman lang na rosas ang naandito

Kinapa ko ang mga halaman hnggang sa bigla nalang yumugo ang mga halaman, hindi, hndi halaman ang yumugo kundi pader

Isang pader? Kala ko ay walang pader iyon pala ay natatabunan lamang ng nga malalagong rosas

Unti unting bumukas ang pader. Madilim pero sa dulo ay may nasisilip akong kaunting liwanag

Dahil likas akong madaling ma curious ay pumasok ako doon na parang tunnel

Ilang segundo lang ay nakarating na ako sa dulo.

Inalis ko ang mga halaman at ugat ng halaman na nakatabing sa labasan

At ng makalabas na ako ay bumungad saakin ang gubat. Ito iyong gubat na dati kong napuntahan noong makita ako ni Cyano

Kailangan ko ng bumalik delikado na, baka kung ano pa ang lumapa saakin dto, di naman palaging nagagawi dito si Cyano

Tatalikod na sana ako ng makarinig ako ng boses ng bata

Hanggang sa namalayan ko na lamang na sinusundan ko na kung saan ko iyon narinig

Lakad lang ako ng lakad

narinig ko ulit ang boses


"Those assholes! Their blood are stinky!"

sumilip ako sa likod ng isang malaking kahoy at doon ay nakita ko ang isang cute na cute na batang lalaki

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now