Chapter 59

11.7K 329 38
                                    

~Chapter 59~


Freya POV

Naglalakad ako ngayon sa pasilyo ng palasyo

Nakasunod lang saaking likuran sila Miya

Pinilit ko ng lumabas. Alam kung wala namang mangyayari kung magkukulong lang ako doon

Napasinghap ako ng my biglang yumakap saakin mula sa aking likuran

"Damn baby! Atlast lumabas ka na rin" - napangiti ako ng marinig ang baritono niyang boses

Humarap ako sakanya

"Sorry" - sabi ko sakanya

Hinawakan niya ako sa aking kamay at saka iginigiyang maglakad

"Saan tayo pupunta?"

"May ipapakilala ako saiyo"

Nasa isang madilim na silid kami ngayon

Nasa bandang dulo na ito ng palasyo. At nasa may ilalim ito na parte ng palasyo. Bumaba kami kanina ng hagdan na may kahabaan

Agad na nagsisindihan ang mga sulo na nasa loob nitong silid ng ipinitik ni Luan ang kanyang daliri

At doon ko lang nakitang may mga litrato pala sa loob nitong kwarto.

Nakasabit ang mga ito sa pader at sa bawat litrato ay may sulong nasa gilid na nagsisilbing liwanag ng mga ito

Lumapit ako sa isang larawan.

larawan ng dalawang bata. Siguro ay edad limang taong gulang.

Magkamukhang magkamukha ang dalawa. May katandaan na ang litrato kaya't di ko makita masyado ang kulay ng kanilang mga mata pero ang isa sa kanila ay mayroong abong buhok at ang isa ay mayroong pilak na buhok

Pareho silang naka poker face at parang yamot na yamot

"That kids are Haden and me"

Nasa likuran ko si Luan habang ako ay abala sa pagtingin sa litrato

Kaya pala pamilyar ang mukha. Bugnutin na talaga siya noon pa man! haha

Pareho nga silang may nunal ni Haden. Ang kanya ay nasa kanang itaas ng kanyang labi samantalang kay Haden ay nasa gilid ng kanyang kanang mata.

May mga nakita pa akong litrato. Nakita ko rin ang mga litrato nila Adreana noong bata pa sila.

at may nakita pa ako kaninang litrato ng apat na batang lalaki

pero agad niya akong hinila palayo doon

Lumipat kami sa kabilang bahagi nitong kwarto.

Iba naman ang mga litrato dito, kung sa kabila ay medyo marami at halos puro ang magkakapatid na dragomir lamang ang makikita mo, dito apat na malaking litrato lamang ang nakasabit

Ang unang litrato ang una kong tinignan

"Meet my father"

Tama nga ako! Sakanya nagmana ang magkakapatid na Dragomir maliban kay Adreana na kamukha ng reyna

King Magnus.

Napakakisig nito at halatang halata ang pagkakaroon nito ng gwapong mukha

Napaisip ako. Ilang babae ba ang nabihag ng hari?

Pero di ko rin naiwasang isipin na siya ang bampirang tumapos sa buhay ng aking mga magulabg maging ng aking lolo at lola

Minabuti kong lumipat na lang sa kabilang litrato

Resurrecting The King Of The DarkWhere stories live. Discover now